LOS ANGELES, USA – Hindi na makapaglalaro si San Antonio Spurs star LaMarcus Aldridge sa buong 2019-2020 season makaraang sumailallm sa operasyon sa balikat.
Ayon sa Spurs, si Aldridge ay inoperahan noong Abril para ayusin ang kanyang problema sa rotator cuff sa kanyang kanang balikat.
Na-injure ni Aldridge ang kanyang balikat sa Utah noong February 21 at pagkatapos ay naglaro laban sa Oklahoma City pagkalipas ng dalawang araw.
Lumiban siya sa anim na laro matapos nito bago bumalik upang umiskor ng 24 points laban sa Dallas noong March 10, isang araw bago suspendihin ang liga dahil sa COVID-19.
Si Aldridge, 34, at isang 7-time All-Star ay umanib sa San Antonio noong 2015 mula sa Portland.
Inaasahang gagaling na si Aldridge para makabalik sa training camps bago ang 2020-2021 season.
Comments are closed.