LAMBANOG AT BIGNAY: MGA NATURAL NA INUMING NAKALALASING

LAMBANOG-5

(ni CYRILL QUILO)

SA ATING mga Filipino ay napakaimportante ng Pasko. Kabi-kabila ang selebrasyon at party-party ‘ika nga. Nandiyan din ang reunion o pagtitipon ng mga magkakamag-anak at magkakaibigan.

Hindi nawawala ang selebrasyon. Kaya kapag ganitong panahon, nandiyan ang inuman, kantahan at sayawan. Lalo na sa ibang lugar sa Filipinas na tradisyunal na ang pag-iinuman na minana natin sa mga Kastila.

Hindi mawawala sa atin ang inuming nakalalasing o alak. Lalo na dito sa Pinas, mayroon tayong tinatawag na lambanog o coconut wine. Tinatawag din ito ng iba na coconut vodka. Ang pag-inom ng lambanog ay nagsimula sa sapal ng niyog. Ito ay mula sa tuba o palm toddy. Isa itong kulay puti na clear na may pasas, may masarap na lasa at napakataas ng alcohol level nito kapag ito ay na-perment ng halos 48 na oras.

Sa Japan, tinatawag itong sake at sa Europa naman ay schnapps. Sa Filipinas, Vino de Coco o Vino de Nipa. May iba’t ibang flavors tayo tulad ng blueberry, mango, pineapple, bubblegum at cinnamon.

Samantalang ang bignay naman ay isang klase ng prutas na maaaring kakaunti lamang ang nakaaalam. Ito ay kulay duhat kapag nahinog ng maigi at pula naman kung hindi pa masyadong hinog.

Tinatawag itong wild cherry sa Ingles, Chinese laurel at cherry salamander. Maasim ang maliliit na tila ubas na hitsura.

Sa bansa, bihira na ngayon ito kung ma­kita. Ang iba ay ginagawa itong pampaasim sa sinigang kaysa ang gumamit ng sampalok. Maaari rin itong ga­wing vinegar o suka. Ang iba ay ginagawa itong jelly o jam kung nahinog dahil sa matamis na lasa.

Maihahalintulad din ito sa cranberry juice. Maaari rin gawing alak ang katas ng bunga nito. Tsaa naman ang balat ng puno nito na makatutulong sa ating kalusugan.

Ang dahon din ay maaring gawing tsaa at puwedeng gamitin bilang salad.

Basta iwasan lang ang kanyang ugat na maaaring makapinsala sa mga babaeng nagbubuntis dahil sa nagiging dahilan ng pagkalaglag ng sanggol at ang iba naman ay pagkalason.

Maraming benipis­yong pangkalusugan ang makukuha sa bu­nga ng bignay at sa puno rin nito gaya na lang ng mga sumusunod:

1. Nakapagpapapayat ang bignay lalo na kung ang balat ng puno o bark ay gagawing tsaa o tea.

2. Nakapagpapababa ito ng bad cholesterol.

3. Mayroon itong natural antioxidant na lumalaban sa free radicals sa ating katawan na nakapagdudulot ng cancer, wrinkles at fine lines.

4. Gamot sa Syphilis. Ang syphilis ay isang impeksiyon na nakahahawa. Nakukuha ito sa pakikipagtalik. Maaaring ilaga ang balat ng bignay at ga­miting gamot.

5. Nakatutulong na mapagaling ang Urinary Tract Infections (UTI).

6. Nakatutulong upang mapababa at makontrol ang high blood pressure na nagiging sanhi ng heart failure.

7. Nakapagpapaganda ng metabolism.

8. Nakatutulong upang mapalakas ang immune system.

9. Nakapagpapababa ng SGOP at SGPT.

10. Gamot sa kagat ng ahas.

11. Gamot sa mga taong nahihirapang dumumi.

12. Mainam sa may colon cancer.

Hindi nga naman nawawala ang mga inu­ming nakalalasing lalo na kapag holiday.

Gayunpaman, ano’t ano pa man ang mapi­ling alak o inumin, uminom lang ng tama. Huwag sosobrahan nang hindi mag-suffer ang kalusugan.

Comments are closed.