LAMBANOG BANNED NA SA CALABARZON

Lambanog

DAHIL umabot sa mahigit sampu ang nalason sa Lambanog, agad nang ipinag-utos ni Brig. General Vicente Danao, ang director ng Pronvincial Police Office 4-A o Calabarzon (Calamba, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang pagbebenta nito na inasahang maraming tatangkilik dahil sa Kapaskuhan.

Kahapon ay inatasan na ni Danao ang kanyang mga police commander na puntahan ang lahat ng tindahan ng lambanog sa kanilang nasasakupan.

Pahayag ng heneral na mananatili ang ban sa pagbebenta ng lambanog hangga’t walang clearance na naipalalabas ang Foods and Drugs Administra-tion.

Hawak na ngayon ng Candelaria Police ang may-ari ng tindahan ng lambanog na si Nicanor Buela Delos Reyes para sa kaukulang disposis­yon. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.