IPINASUSURI na ng Department of Health (DOH) sa Food and Drugs Administration (FDA) ang mga lambanog na ininom ng walo katao na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City at Laguna, kamakailan.
Sa isang text message, kinumpirma ni Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo na aalamin nila kung rehistrado ba ang mga lambanog na ininom ng mga biktima.
Tutukuyin din ng DOH kung kontaminado ba ang mga naturang nakalalasing na inumin, na gawa mula sa sabaw ng niyog.
Kaugnay nito, hinihikayat din ni Domingo ang publiko na bumili at gumamit lamang ng mga produktong rehistrado ng FDA upang matiyak na ligtas ang mga ito.
“FDA is now investigating to check if the product is registered and if the seller has a license to operate. They are also trying to secure samples for testing,” ani Domingo.
“We advise the public to refrain from buying and consuming unregistered products,” aniya pa.
Nauna rito, matatandaang apat na tricycle drivers ang namatay at 13 na iba pa ang naospital nang umi-nom ng lambanog sa Novaliches, Quezon City, habang apat na indibidwal din ang namatay habang da-lawa ang kritikal nang uminom ng lambanog sa Sta. Rosa, Laguna. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.