LAMITAN CITY HALL PINASABUGAN

BASILAN- GINULANTANG nang malakas na pagsabog ang mga residente sa paligid ng Lamitan City Hall sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng Basilan PNP at militar ang naganap na pagsabog ng hinihinalang improvised explosive device na inilagay ng mga hindi pa nakikilalang suspek o grupo.

Naganap ang pagsabog bandang ala-6:00 ng gabi sa labas lamang ng city hall.

Base sa inisyal na ulat walang namang naitalang nasugatan at nasawi sa nasabing pagsabog maliban sa pagkasira ng tubo ng tubig at pader sa blast site.

Agad na nagtatag ng mga checkpoints at karagdagang uniformed personnel sa area habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy ang responsable sa panggugulo .

Magugunitang nitong Mayo 30 ay isang pagsabog ang naganap din sa garahe ng isang bus company na ikinasugat ng tatlong katao. VERLIN RUIZ