NANINIWALA si Rannie Raymundo na magiging monster hit ang #YATO ng nakababatang kapatid na si Lance.
“Baka mahigitan pa nito ang biggest hit ko,” sambit ni Rannie sa Listening Party na ginawa para sa music video ng single ni Lance.
Matatandaang ang Why Can’t It Be? ay tumatak sa OPM lovers noon. At ngayon naman ay gumagawa ng ingay ang #YATO sa digital platforms.
#YATO is a rehash of a favorite song ni Lance na You Are the One, which is dedicated to his second love, who is now currently happily married.
Dumalo si Rannie at ang kanilang butihing inang si Mommy Nina (Nina Zaldua) sa launch ng music video sa Black Maria Cinema kamakailan.
Bakit naman para sa pangalawang kasintahan ito dedicated?
“Dahil at that time, ‘yun ang feeling ko sa kanya. Na siya na talaga ang para sa’kin. Pero hindi nangyari but we remained good friends to this day,” sambit ni Lance.
Isang mahusay na aktor si Lance na noong 1994 naaksidente sa gym nang mabagsakan at mawasak ang kanyang mukha ng isang 90-pound barbell. Hindi naging hadlang ang aksidente. Pinaghusay ni Lance ang craft bilang aktor at gumanap ng iba’t ibang roels sa teatro. Notable of which is the role of Jesus Christ in ‘senakulo’ plays bilang panata na rin at pasasalamat sa bagong buhay at kaligtasan na ibinigay sa kanya ng Maykapal.
“But singing was my first love. Basically I am singer. I started out as a singer. And when I signed with Viva Artist Management, I thought the best thing to do is to sing again. It’s like going back to where I really belong. After all, I already have around 200 songs,” he said.
Naturally, the music video is inspired by the near-death traumatic experience of Lance. But at the end of the video, her girlfriend/partner, played by Janna Victoria, accepted him wholeheartedly no matter how he looked like – kung naibalik ba ang mukha niya o hindi.
In his present stature, Lance sees love as acceptance, sharing and generosity. “You don’t find happiness or make yourself whole because of your partner. It’s the other way around. You accept your partner and share with him/her your happiness.”
Ayon kay Lance, zero ang kanyang lovelife pero masaya siya dahil “he’s still full of love” at suportado siya ng mapagmahal na pamilya. Mas gusto niyang mag-concentrate sa patuloy na paggawa ng musika.
Aside from acting, Lance has also been into hosting. So what’s next after #YATO?
“The next single is on the pipeline, then the album!” he quipped.
Aabangan natin yan habang inaawit na rin ng mga millennial ang #YATO. Meantime, catch the craze #YATO via Spotify and iTunes. Follow the comebacking singer’s gigs via his official FB account.