LAND TITLES, P69.17-M AYUDA SA AGRARIAN BENEFICIARIES

NAMAHAGI si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng 4,724 Certificates of Land Ownership Award (CLOA) at electronic titles (e-titles) sa 2,797 agrarian reform beneficiaries sa Negros Occidental.

Sa turnover ceremony sa Manuel Y. Torres Memorial Coliseum and Cultural Center sa Bago City, namahagi rin ang Pangulo ng P69.17 million na halaga ng ayuda, kabilang ang organic fertilizer, farm machinery and equipment, Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo, at farm-to-market roads sa 1,830 benepisyaryo sa lalawigan.

Nangako si Marcos na tatapusin ang pamamahagi ng land titles sa lahat ng benepisyaryo ng  agrarian reform program sa ilalim ng kanyang termino

Sa kanyang talumpati, tiniyak ng Pangulo sa  agrarian reform beneficiaries ang patuloy na suporta ng pamahalaan upang mapalakas ang kanilang agricultural productivity.

“Makaasa kayo na kabalikat ninyo ako at ang buong pamahalaan sa lahat ng inyong pagsisikap. Nawa’y samahan ninyo ako sa pagsasakatuparan ng isang Bagong Pilipinas – isang bansang walang nagugutom at ang lahat ay kumikilos para sa kapakanan ng lahat,” aniya.

Nilagdaan ni Marcos noong Huiyo ng nakaraang taon ang New Agrarian Emancipation Act, kung saan mabibiyaan ang mahigit 610,054 Filipino farmers na magiging debt-free mula sa P57.65 billion ng agrarian arrears.

Sinabi ng Pangulo na ang mga nakatanggap ng kanilang land titles bago ang Hulyo  24 noong nakaraang taon ay wala nang utang sa Land Bank of the Philippines.

(PNA)