LUMAGDA sa Memorandum of Agreement ang Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) at Land Bank of the Philippines (LandBank) bilang partner nitong Huwebes para ipatupad ang Link.BizPortal e-payment facility.
Kasama sa Memorandum of Agreement ang pangako ng HSAC na mag-alok ng Link.BizPortal e-payment facility ng Landbank bilang isa pang opsyon sa pagbabayad sa website nito para mabayaran ng mga kliyente ang mga kinakailangang pera sa paghahain ng na-verify na reklamo o iba pang serbisyo sa pamamagitan ng internet.
Tiniyak din ng LandBank ang pagiging available ng kanilang system 24/7 at magbibigay sila ng real-time na view ng mga transaksyon sa pagbabayad sa HSAC.
Ang isang online payment option ay hindi na bago sa HSAC kung saan nagkaroon ito ng partnership noong 2022 sa isang pribadong bangko.
Karagdagan na lamang ang LandBank, isa sa pinakamalaking government financial institution, ang mga kliyente ng HSAC ay makakaasa ng mas maraming opsyon para sa maginhawang magbayad ng kanilang mga bayarin gamit ang LandBank o iba pang ATM, prepaid, at debit card na inisyu ng BancNet, ang kanilang preferred mobile wallet, o mga credit card.
“This is another milestone for our agency, and it is such a timely endeavor that we sign this MOA during HSAC’s 5th anniversary celebration,” ayon kay Executive Commissioner Melzar P. Galicia.
“HSAC has achieved greater heights in the past five years of its existence, and it is with such pride that I share this new accomplishment. This is a testament that HSAC is doing its best to elevate excellence for the benefit of its stakeholders,” dagdag pa nito.
Patuloy rin ang pagtanggap ng HSAC ng traditional payment methods gaya ng cash, manager’s cheque, at postal money orders sa kanilang Offices or Regional Adjudication Branches.
Kasama sa MOA signing were Executive Commissioner Melzar P. Galicia, Commissioner Fidel J. Exconde, Jr., Commissioner Sergio E. Yap II, Commissioner John-Christopher T. Mahamud, at Commissioner Michael P. Cloribel kasama sina LandBank Senior Vice President Delma Bandiola at Department Manager Josephine D. Santiago.
EUNICE CELARIO