LANDBANK NAG-REMIT NG P50-B PARA SA MAHARLIKA FUND

NAIPADALA na ng Land Bank of the Philippines (Landbank) sa Bureau of the Treasury (BTr) ang P50-billion contribution nito para sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa isang statement, sinabi ng LandBank na ang P50-billion investment sa MIF ay naayos na ng Sept. 14.

“We are witnessing a growing interest for investments in the MIF from multilateral financial institutions and foreign investors. With the regulatory requirements in place, and after securing the seed capital from state-run institutions, we are confident that the Fund will be operational by yearend,” sabi ni Finance Secretary at LandBank chairman Benjamin Diokno.

Tiniyak naman ni LandBank President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz na may sapat na safeguards ang batas na lumikha sa MIF para maprotektahan ang invested funds ng bangko.

“The MIF law has put in place adequate safety nets to ensure full disclosure and transparency in the management of the Fund, as well as the integrity and professionalism of the management team that will be entrusted to lead the Maharlika Investment Corporation,” ani Ortiz.

Nilagdaan ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 11954 noong nakaraang July 18.

Nag-isyu ang BTr ng implementing rules and regulations (IRR) noong Aug. 28.

Pinapayagan ng batas ang LandBank at ang national government na magbigay ng tig-P50 billion bilang initial fund capital, habang ang Development Bank of the Philippines (DBP) ay mag-aambag ng P25 billion.

(PNA)