ANG Land Bank of the Philippines ay kabilang sa walong government agencies at units na pinarangalan sa OpenGov Recognition of Excellence (RoE) ngayong taon dahil sa pagpupunyagi tungo sa kahusayan sa ICT strategies, policies at initiatives.
Ang awarding ceremony ay idinaos kaalinsabay ng Philippine OpenGov Leadership Forum noong Abril 19 sa Dusit Thani Manila.
Tinanggap ni LANDBANK Executive Vice President for Branch Banking Liduvino S. Geron ang award mula kay OpenGov Asia Group Managing Director at Editor in Chief Mohit Sagar.
Ang bangko ay kinilala sa pagtatayo ng LANDBANK Inclusive Banking Center (LIBC), isang cashless payment facility para sa government fees na pinasimulan noong nakaraang taon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) head office sa Quezon City.
Ang LIBC ay isang interconnected at interoperable facility na may Point-of-Sale (POS) terminals na ikinawing sa cashiering system ng ahensiya upang bigyang-daan ang pagbabayad ng government fees sa pamamagitan ng anumang ATM o debit cards ng bangko. Ang client-payors na walang ATM cards na magagamit sa pagbabayad sa pamamagitan ng POS terminal ay pagkakalooban ng pre-generated ATM cards. Ang pasilidad ay kinalalagyan din ng ATM machines at isang Cash Deposit Machine para sa real-time deposits sa pre-generated ATM cards.
Bahagi rin ng partnership ng bangko sa LTFRB ang pagtatayo ng ePay Hub – isang electronic retail payment system na nagbibigay-daan sa paggamit ng lahat ng bank cards para sa pagbabayad ng fees, penalties, at franchises para palitan ang umiiral na cash transactions na malapit sa graft and corruption.
Ang iba pang awardees ngayong taon ay kinabibilangan ng Bangko Sentral ng Pilipinas, City of Santa Rosa, Department of Finance, Department of Information and Communications Technology, Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment, at National Privacy Commission.
Comments are closed.