NAG-PARTNER ang Landbank of the Philippines at Small Business Corporation (SB Corp) kamakailan para maghandog ng mabilis at mahusay na alternative payment collection services sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng e-Payment service Link.BizPortal.
Tinanggap ni SB Corp President and CEO Ma. Luna Cacanando ang partnership, at sinabing ang kasunduan ay “very timely and useful” para sa mga kliyente ng MSMEs lalo na sa Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) Program na lumalakas na ngayon.
Ang P3 program ay isang loan financing program na itinalaga para mabigyan ang micro enterprises ng mas magandang daan sa pananalapi, na nagbibigay sa kanila ng alternatibo sa impormal na 5-6 na patakaran ng pangungutang.
“Because, most of our clients in the P3 program are having difficulty in producing a valid identification card, we need a fintech solution and this partnership with Landbank to make documentation easier,” paliwanag ni Cacanando.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA), puwedeng makinabang ang SB Corp sa Landbank’s e-Payment facility sa ilalim ng kanilang Payment Service Provider (PSP) bilang bahagi ng kanilang pagsisikap na makapagbigay ng mabilis at maayos na payment collection services para sa MSMEs.
Sa kabilang banda, ang Landbank, sa pamamagitan ng kanilang Link.BizPortal, ay magbibigay daan sa kliyente ng SB Corp na mag-transact ng negosyo o magbayad ng monetary obligations sa SB Corp sa pamamagitan ng internet gamit ang kahit anong e-Payment na inihahandog ng bangko. Ang serbisyo ay para sa mga kliyente na mayroong Philippine Peso account alinman sa Landbank o sa ibang bangko.
Binigyang-diin ni Cacanando ang kahalagahan ng partnership sa Landbank dahil maaabot nito ang MSMEs sa rural areas.
Sinabi ni Landbank Executive Vice President and Branch Banking Sector Head Liduvino Geron na ang partnership ay makatutulong para mapagaan ang pakikipagnegosyo sa mga kliyente ng Landbank at SB Corp.
“We hope that this agreement will help SB Corp clients to transact easier and efficiently,” pahayag ni Geron.
Comments are closed.