LANDLESS MANILEÑOS MAY SARILI NG LUPA

Mayor Honey Lacuna with (left) Congressman Irwin Tieng (5th district) and Vice Mayor Yul Servo with a happy lot award recipient. Also with them are Councilors Charry Ortega and Boy Isip. Photo from Journal.com.ph 

DUMARAMI na ang napagkakalooban ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng sariling lupa sa mga nararapat na residente na isa na ngayong legitimate land owners.

Nabatid na sa loob lamang ng ilang araw, mahigit na 300 lote ang ipinamahagi ni Mayor Honey Lacuna sa mga masuwerteng residente mula  Districts 2, 4 at 5 sa Tondo, Sampaloc at San Andres, Manila, sa ilalim ng programang  ‘Land for the Landless’.

Sinamahan si Lacuna nina Vice Mayor Yul Servo, Secretary to the Mayor Marlon Lacson, Manila Urban Settlements Offi­cer-in-Charge Atty. Danilo De Guzman.

May kabuuang 99 pamilya  mula sa District 5 ang tumanggap ng kanilang lote kabilang na ang 18 mula sa Sampaloc.

Ang awarding ay ginawa sa Our Lady of Loreto Church sa  Sampaloc at Anakbayan Co­vered Court.

Bago ito, 184 pamilya mula sa  Anthony YK Estate, Lico Estate at Fajardo Estate ang nakatanggap ng lote sa isang  simpleng seremonya na ginanap sa Brgy. 152  sa Tondo, Manila nitong Hulyo 19.

Sinabi ni Lacuna, ang mga recipient ay binubuo ng mga residente, lalo na ng informal settler families na matagal ng nani­nirahan sa loteng ipinagkakaloob sa kanila.

“Kami po ay natutuwa na maging bahagi ng katuparan ng kanilang mga pangarap na magkaroon ng sariling lupa. Ang paggawad ng mga lupang  kinatitirikan ng kanilang mga bahay ay pangarap din namin para sa kanila,” saad ni Lacuna.

Sa nasabing bilang, 133 ay residente ng YK estate sa loob ng 20 years;  24 ay  residente ng  Lico estate; 17 naman ay mula sa Fajardo Estate at 10 ay  awardees ng lote mula sa apat na iba pang  estates.

Nabatid na ang city government ay naglaan ng  special budget para mabili ang mga nasabing lote at ipagkaloob sa mga masuwerteng residente.

Ayon pa kay Lacuna ang pag-aaward ng nasabing lote sa mga deser­ving na pamilya ay magtutuloy-tuloy sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“We will keep implementing the Land for the Landless’ program for a long as the city still has lots to award to waiting beneficiaries because housing is a key component of our vision to make Manila livable and whole,” pahayag ni Lacuna.

VERLIN RUIZ