LANDMINE EXPLOSION ININGUSO SA NPA

LANDMINE

SOUTH COTABATO – PINANINIWALAANG kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang panibagong landmine explosion sa bayan ng Lake Sebu.

Sinabi ni Lake Sebu Mayor Floro Gandam, posibleng ibinaon ng mga miyembro ng Platoon West Guerilla front Musa ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army ang sumabog na landmine sa bulubunduking bahagi ng Barangay T’kunnel.

Pinamumunuan umano ni alyas Billy ang nasabing rebeldeng grupo.

Napag-alaman na sumabog ang landmine may sampung metro mula sa tropa ng pamahalaan habang pabalik na sa kanilang patrol base matapos magpatrolya sa lugar.

Wala namang nasugatan sa naganap na landmine explosion.

Ngunit, naarekober sa isinagawang clearing operation sa lugar ang isang hindi pa sumabog na improvised explosive device (IED).

Hinigpitan pa ng pulisya ang seguridad sa bayan dahil sa panibagong pagsabog. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.