LANDSLIDE PA MORE

Manicani residents strongly oppose Hinatuan Mining Corporation Project. Photo from Alyansa Tigil Mina/Facebook

Nagpahayag ng pagtutol ang mga residente at ilang grupo sa panukalang Manicani Nickel Mining Project ng Hinatuan Mining Corporation (HMC) sa Manicani Island, Guiuan, Eastern Samar.

Nagsumite sila ng pahayag sa Environmental Management Bureau (EMB) sa pangunguna ng grupong Protect Manicani Island Society Inc. (PROMISI).

Hinihingi nilang magkaroon ng 15-year extension ang Mineral Sharing and Production Agreement  (MPSA) ng HMC na kanila nang kinansela.

 Ayon sa mga petitioners, ang Manicani Island ay bahagi ng Guiuan Marine Resource Protected Landscape and Seascape Area na nanganganib na ngayon, sanhi ng pagkawala ng tahanan ng napakaraming kakaibang species na sa kanilang rehiyon lamang matatagpuan.

“Allowing mining operations on the island would not only threaten its ecological balance but also undermine the environmental protections that have been put in place,” nakasaad sa petition.

Dagdag pa, masisira umano ng pagmimina  ang fragile ecosystem at magiging sanhi ito ng irreversible damage sa marine life. Higit pa diyan, makakalbo umano ang mga bundok at magkakaroon ng polusyon sa mga pinagkukunan ng tubig na maiinom ng mga residente.

Ayon sa mga petitioners, dahil sa pagmimina, dadami ang landslides at soil erosion, lalo pa’t alam umano ng lahat na ang kanilang island ay vulnerable to disasters.

“Furthermore, mining operation in Manicani Island are likely to have adverse social and economic impacts on the local communities, who depend on the island’s natural resources for their livelihoods,” ayon pa sa petisyon.

RLVN