LANDSLIDE WIN NI JOY TINIYAK NG ENDORSEMENT NG INC

Joy Belmonte-2

NAKUHA ni mayoralty candidate Joy Belmonte ang endorsement ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quezon City para sa nalalapit na local elections at napanatili ang kanyang kalamangan sa pinakahu­ling survey sa mga botante sa lungsod.

Pinasalamatan ni Belmonte,  nasa kanyang ikatlong termino bilang vice mayor, ang INC para sa kanilang suporta.

“I was informed on Monday that INC will support me and majority of the candidates in my slate. This is very, very good news for us, and of course, for Quezon City because we are committed to our promise of giving selfless, top-notch service that will benefit the city’s residents,” wika ni Belmonte sa isang panayam kahapon.

“Kaya nagpapasalamat ako kay kapatid na Eduardo V. Manalo at sa buong kapatiran ng Iglesia  Ni Cristo sa buong-pusong suporta nila sa atin. Isa po itong malaking karangalan sapagkat ang pangunahing templo at ang opisina ng INC ay nandito mismo sa Quezon City,” ani Belmonte.

Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang dahilan at sa kanya ibinigay ng INC ang endorsement laban sa iba pang mayoralty candidates, sinabi ni Belmonte na naniniwala siyang nasa kanya ang suporta ng ma­yorya ng mamamayan ng Que­zon City.

Sa pinakahuling survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc) mula Mayo 4 hanggang Mayo 8, 2019 sa may 8,000 registered voters, lumobo ang kalamangan ni Belmonte laban sa kanyang mga  pangunahing katunggali na sina Rep. Vincent ‘Bingbong’ Crisologo at Ismael ‘Chuck’ Mathay III.

Si Belmonte ay nananati­ling top choice para sa mayor na may  65 percent laban  kina Crisologo na nakakuha ng 30 percent at Mathay na nakatanggap ng 3 percent.

“We are overwhelmed by the support we have been receiving across all groups in Quezon City, and I think INC shares our vision of wanting the city to keep developing to bring more progress down to the people,” paliwanag niya.

Tinukoy rin ni Belmonte ang kanyang malinis na track record at matagumpay na mga programa na ipinatupad bilang vice mayor sa pagkakaendorso sa kanya ng INC.

Idinagdag ni Belmonte na, “I personally will not take this for granted. If elected, I will make sure that my platform for inclusive development is felt by all. We will improve and eradicate corruption in city services. We will implement the projects that directly benefit the poor and marginalized. Of course, we will also make sure tuloy-tuloy ang pag-unlad ng lungsod alinsunod po sa slogan natin na ‘Kasama Ka Sa Pag-unlad’.”

Ipinaliwanag pa ng incumbent vice mayor na ang endorsement ay patunay na ang mga botante ay receptive sa kanyang plataporma sa kabila ng black propaganda na ginagamit laban sa kanya.

Comments are closed.