DAHIL sa pagtagas ng coconut oil mula sa tanker, isang motorsiklo ang bumangga sa poste sa bahagi ng South Luzon Expressway (SLEX).
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga sa kahabaan ng entry ramp ng Magallanes Skyway, Southbound lane kung saan bumangga sa concrete post ang tanker.
Nagkalat ang langis sa magkabilang linya dahilan naman para madulas ang mga naka-motorsiklo, ilan sa mga ito ang nasugatan.
Iniimbestigahan naman ng pulisya ang driver ng tanker na si Bernie Rivas, residente ng Muntinlupa City.
Agad din namang nalinis ang magkabilang lanes at nadaanan na ng mga motorista naman bago pa magtanghali.
EUNICE CELARIO