LANGUAGE COURSES ALOK NG TESDA

UPANG mapalawak ang kaalaman at madagdagan ang iba pananalita, nag aalok ang Technical Education and Skills Development Authority Provincial Training Center– La Union pagsasanay at language courses ngayong Hunyo.

Paglilinaw ng TESDA ito ay libre at bukas sa naghahangad ng pagsasanay.

Ang free training na kanilang iniaalok ay sa tulong at pakikipag-ugnayan sa National Language Skills Center Taguig.

Ang naturang pagsasanay ay tatagal ng hindi bababa 100 hours o 25 days.

Para naman maka-avail ng training ay kinakailangan na isa kang Filipino Citizen, higit 18-anyos at kinakailangang nakapagtapos ng high school, senior high school o ALS graduate.

Habang magkakaroon naman ito ng morning at afternoon session at mayroon lamang na apat na oras na training sa isang araw mula Lunes hanggang Biyernes.

Samantala kung may iba pa raw na katanungan ay mag email lamang sa [email protected] upang mabigyan din ng iba pang instruction hinggil sa pre-registration process. EUNICE CELARIO