LANI MERCADO BILIB SA MAPAPANGASAWA NI JOLO; NAISISINGIT PA RIN ANG PELIKULA

LANI MERCAD

IBINALITA sa amin ni Mayor Lani Mercado-Revilla ang nalalapit na kasal ng anak na si Vice Gov. Jolo Revilla sa beauty-queen model na si Angel Alita. Aalis ang buong Revilla clan (except daw kay Andeng ) papuntang US kung saan magaganap ang kasal, bukas, Dec. 6 at babalik sila dito on the 20th kaya dito sila magpa-Pasko.  Sa December 15 ang wedding day.

“Talagang mana sa ama si Jolo. Remember sa US din kami ikinasal ni Senator Bong Revilla noon? It’s also gonna be a Christian wedding,” kuwento ng Mayor ng Bacoor.

Mukhang botong-boto si Lani kay Angel. “Nakita ko kasi kay Angel na very supportive siya kay Jolo. She’s a very supportive partner. Mabait, simpleng tao. Actually, marami syang isinakripisyo para kay Jolo. At bagay na bagay sila. Perfect sila for each other, ” sey pa ni Lani.

Tatayong mga ninong at ninang sa kasal sina Jing­goy Estrada, Inday Sarah, Congresswoman Martin Romualdez, Gov. Remulla  at marami pang iba mula sa iba’t ibang larangan.

Bale 2nd Christmas na nilang kasama ngayon si Sen Bong na malaya ito. Ang US trip daw nila ay magsisilbing bakasyon na rin nilang magpapamilya.

Sinabi rin ni Mayor Lani na tuloy na ang inihahandang pang-MMFF next year si Sen. Bong. May tsika nga na si Kathryn Bernardo ang gustong makasama ni Bong sa pelikula.

“Wala pa naman, pinag-uusapan pa. Alam nyo naman si Bong, mahal niya ang industriya. He has always have his heart sa industry. Isa rin siya sa mga haligi na ng industriya. As of now, Im very happy na nakabalik si Bong as senator. I will be very happy rin sa pagbabalik-pelikula niya.

Ano naman ang masa­sabi nya sa mga ginagawa ni Manila Mayor Isko Moreno sa Maynila particularly ang pag-aayos nito sa nasasakupan?

“Isa si Mayor Isko sa mga sinuportahan namin bilang baguhan sa pulitika noon at happy naman ako sa mga ginagawa niya. Actually, ginawa na rin namin iyon noon pa hindi lang ako ma-social media.  Makikita n’yo naman sa mga award na natatanggap namin kung ano ang ginagawa namin sa Bacoor. Hindi na kaila­ngan pang isa-isahin dahil nararamdaman naman ng ating mga kababayan. Lahat ng mga kailangan nila ay ibinibigay namin pangunahin na ang mga pangangailangan sa kalusugan, edukasyon at iba pa, ” pagmamalaking sabi pa ni Mayor Lani.

Kahit busy sa pagiging Mayor ay naisisingit pa rin ni Mayor Lani na makalabas sa pelikula. Nakatapos siya ng 2 pelikula at isa dun ay ang pang-MMFF na “Mission Unstoppable” ni Vic Sotto at Maine Mendoza. Gaganap siya bilang Nanay ni Maine.

KOMEDYA NINA TVJ IPALALABAS SA TV5

DINALUHAN at pormal ng ininanunsiyo ng Cignal TV at TV5 President and CEO na si Ms Jane Basas at ng APT Entertainment CEO na si Michael Tuviera ang pagsasanib puwersa ng dalawang entertainment companies ng bansa-ang Cignal TV at APT Entertainment noong November 27, 2019.

Sa nasabing partnership, magbibigay ang Cignal TV ng plataporma sa pamamagitan ng pagbuo ng kauna-unahang comedy channel kung saan muling mapapanood ang mga original local comedy programs mula sa archives ng APT Entertainment at TV 5.

Kilala ang APT Entertainment sa kanilang mga di malilimutan at pinaka-nakakatawang classic comedy programs na pinagbidahan ng mga pinakasikat na komedyante mula noon hanggang ngayon. Gaya ng “Iskul Bukol”, “Wow, Mali”, at marami pang iba. Hindi  rin naman maikakaila ang pagiging aktibo ng Cignal TV ngayong taon sa pagpapalabas ng mga original at acquired content sa telebisyon.

Sa malakihang pagsasanib na ito, layon ng Cignal TV at APT Entertainment na muling buhayin ang mga programang pang-komedya na mapa-pansing madalang na sa kasalukuyan. Naniniwala silang ang katatawanan ay walang kinikilalang oras, uso o henerasyon.

Bagama’t pawang “throwback” comedy programs ang unang salvo  ng nasabing comedy channel, magkakaroon din sila ng mga original comedy programs gaya ng pagsasama nina Jose Manalo at Wally Bayola sa isang show at isa pang show na solo ni Maine Mendoza kung saan sorpresang naglalakihang mga stars ang mga makakasama nila.

Ilulunsad ang nasabing local comedy channel na ito sa 1st quarter  ng taong 2020 at magkakaroon ng malaking big announcement para rito.

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *