LANI MISALUCHA ‘DI NAGDALAWANG-ISIP NANG ALUKIN NG SHOW SA KAPUSO

lani misalucha

MASAYANG-masaya ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha nang humarap sa mga press people sawallface presscon ng kanyang pagbabalik-Kapuso at bagong talent search show, ang “The Clash”. Masaya si Lani dahilan sa pagkatapos halos ng isang dekada at kalahati ay nagkaroon muli siya ng show sa GMA7 at pagkakataon na muling makasama ang kanyang close friend na si Regine Velasquez, na tumatayong host ng ‘The Clash’.

Pahayag ni Lani, nang matanggap niya ang offer na maging isa sa judge ng naturang talent search show ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na tanggapin ito. At naging kapalit naman ay ang pagmo-move ng kanyang show sa States, sa susunod na taon at ang pag-iwan sa kanyang mga ‘kalaro’ at mahal na mahal na mga apo. Ani pa rin ni Lani, matagal-tagal din daw niya hindi makakapi­ling ang kanyang mga apo at first time ito para kay Lani. Tatagal kasi ang kanyang pagiging judge hanggang sa Setyembre ngayon taon at isa sa pinirmahan ni Lani ay hindi siya aalis ng bansa hanggang sa hindi matapos ang “The Clash”.

Sa kanyang pagbabalik Kapuso, na­ngangahulugan lang kaya na muli siyang magiging isang Kapuso talent? Say ni Lani, freelancer siya since nang umalis siya ng Filipinas, per show basis lang siya ‘pag nagkakaroon ng project sa Pinas. Malabo raw kasi sa side niya na maging contract star ng kahit anong network station sa kadahilan na hindi naman siya naka-base sa Filipinas at dapat pauwi-uwi siya ng Amerika kung saan naroon na ang kanyang pamilya.

Masaya pa ngang sinabi ni Lani, na wala raw sigurong mangangahas na kunin siyang exclusive star ng network dahil lagi siyang wala sa bansa. Bukod kay Lani at Regine, kasama rin bilang judge sa “The Clash” sina Ai Ai delas Alas at Christian Bautista, samantalang co-hosts naman sina Joyce Pring at Andre Paras. Mapapanood ang “The Clash” every Saturday night after “Pepito Manaloto” at every Sunday naman pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” starting July 7 sa GMA7.

CHRISTIAN BAUTISTA BUMIBIGAY SA TALUNANG CONTESTANT

CHRISTIAN BAUTISTAHINDI ganun kadali para kay Christian Bautista na maging isang judge sa talent search show. Kung kaya sa bago niyang project sa Kapuso Network na “The Clash” under the helm of direk Louie Ignacio ay naging isang mala­king pressure sa kanya ang bagong assignment.

Ani  Christian, tulad din niya ang mga contestants ng “The Clasher”, sumali rin si Christian sa mga singing contest at madalas nga raw hindi siya nananalo. Kung kaya alam na alam ni Christian ang saloobin ng mga hindi papalarin na contestants. Mabigat man sa loob ay walang choice si Christian, lalo na sa “The Clash” ay hindi lang naman ang boto niya ang pagbabata­yan. Tatlo silang judge, kasama ni Christian ay sina Lani Misalucha at AiAi delas Alas.

May instance daw na nangyari na ang isa sa contestants na napili niya ay hindi naging mapalad dahilan na rin sa hindi pumasok sa panlasa nina Ai Ai at Lani. Naramdaman ni Christian ang sitwasyon na iyon, kung kaya after ng show ay pinuntahan ng singer/actor ang naturang contestant at binigyan ng moral support sa pagsasabing, marami pang nakalaang pagkakataon, kung hindi man siya pinalad ngayon ay may panahon pa rin naman para makabawi.

Tulad ni Christian, hindi sumuko kahit laging talunan sa contest, and look at him now, isa sa tiniti­ngalang singer ngayon ng bansa. /PILIPINO Mirror

 

Comments are closed.