LANI MISALUCHA EMOSYONAL SA PAGKUKUWENTO NG PINAGDAANAN BILANG MANG-AAWIT

NAGING emosyonal ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha habang isinasaysay ang kanyang reflectionjourney bilang sikat na mang-aawit sa grand media conference ng “A Lani Morisette —Musical Journey” concert niya with Morisette Amos.

May nagtanong kasi kay Lani kung ano ang mabibigay niya na reminder o warning kay Morisette bilang isa sa mga successful young artists in the industry today.

May iba’t ibang priorities daw tayo sa buhay and if we think that there is something we wanted to do for the next several years, gawin natin dahil ‘yun ang gusto nating gawin.

“Ang kasi sa akin, iba ang naging priority ko talaga nu’ng bago pa ako lumabas sa industry. So, ‘yun ‘yung talagang inuna ko which is to nurture my family. Kasi may pamilya na ako when I got into showbusiness,” pahayag ni Lani.

Ang maganda raw para sa kanya sa naging sitwasyon n’ya, she both enjoyed both worlds-her personal life, which is her family life, and her career.

“Ang maganda lang talaga roon, hindi ko talaga binulusok ng todo-todo.

Otherwise, kung talagang nangyari sa akin ‘yun baka, kasi hindi mo maaaring may ma-sacrifice ang isa, e. It is just…it’s good that I was able to balance both worlds. So, ‘yun.”

Kay Morisette, feeling ni Lani hindi pa naman priority ni Morisette ang makipag-relasyon. Kaya ang ituloy lang n’ya kung ano ang ginagawa raw nito ngayon and she will go a long, long way pa.

Pero wag na ‘wag daw niyang kalimutan kung sino ‘yung nagbigay sa kanya ng talent niya.

“God gave you that, all of us, all of our talents, all of our skills, are given from heaven. It was given to us, and anytime it can go away. It can be taken away from you in a snap. So, you just gonna be grateful and always acknowledge the One who gave you that So, ‘yan, you have to be grateful all the time,” sabay hikbi niya.

Pagpapatuloy pa ni Lani, “And uh, especially you, especially now that you’re traveling, you always have to ask for guidance and protection that you always be safe in everything that you do. ‘Yun ‘yon. So, bakit nga ba (ako umiiyak)?”

Inamin ni Lani na minsan nang nangyari sa kanya ang nakalimot sa Diyos dahil sa sobra niyang kabisihan.

“Minsan unti-unti ka nang lumalakad away from the One that you have to give priority too, ganoon. Nangyayari ‘yun, e.  Sana lang, hindi talaga dire-diretso makalimot, ‘yung ganoon. Kasi nangyari na sa akin ‘yun before. So, nakakahiya. Nakakahiya lang hindi mo ma-acknowledge ‘Yung nagbigay sa atin ng biyaya.”

Ang “A Lani Morisette—Musical Journey” concert ay pamamahalaan ni Carlo Orosa na magaganap sa Setyembre 22 at 23 sa The Theater@Solaire.

KARLA ESTRADA KUMPIYANSA NA ‘DI MAGHIHIRAP

ANG ANAK NA SI DANIEL PADILLA; IPINAG-IPON NA

KARLA-DANIELPUNO ng confidence si Karla Estrada when she announced on TV na hindi maghihirap buong buhay ang kanyang anak na si Daniel Padilla dahil naipagsubi na niya ito ng limpak-limpak na salapi.

Sabi pa ni Karla sa morning talk show niya na hindi lang si Daniel ang assured na ang future niya financially, kundi pati na ang magi­ging anak ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Ibig din kayang sabihin nito na si Daniel na pinakamayamang aktor sa kanyang henerasyon?

And speaking of Da­niel, excited na raw ang anak ni Karla na ma­ging personal assistant ni Kathryn. After kasi ng movie nila under Direk Cathy Garcia-Molina, ang “The Hows of Us,” na ipalalabas sa mga sinehan sa Agosto 29, may gagawing pelikula si Kathryn minus Daniel.

Pero iba naman ang nararamdaman ni Kathryn sa pagsosolo niya. Nalulungkot daw siya at kinakabahan. Hindi raw kasi niya alam ang feeling kapag wala sa tabi niya sa set si Daniel.

 

Comments are closed.