LANTERNS, CHRISTMAS TREE SA PNP PINAILAWAN NA

BILANG pagsalubong sa holiday season, pinailawan na nitong Miyerkules ng gabi ang Christmas Tree at Lanterns sa Camp Crame, ang punong tahanan ng Philippine National Police (PNP).

Pinangunahan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang traditional switching ng pailaw sa maikling programa sa harap ng National Headquarters building na dinaluhan ng mga miyembro ng Command and Directorial Staff at maging ng Crame-based PNP Personnel.

“During this moment of peace and prosperity, challenge and change, it has been our annual tradition to gather around in front of our national headquarters building to kick off the holiday season inside the camp through a Ceremonial Lighting of Lanterns and Christmas Tree as we give thanks for everything that makes this time of year so magical and extra special.”, ayon kay Azurin.

Ang tema ng PNP’s yuletide season ngayong taon ay “Pasko Ng Pagkakaisa: Handog ay Malasakit, Kaagapay ang Kapulisan, Simbahan at Mamamayan”.Kasabay ng pag-sindi ng mga ilaw at mga parol ngayong gabi ay ang ating panalangin na magkaroon ng buong pusong serbisyong hatid ay malasakit para sa kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bayan”, dagdag pa ni Azurin.

Sinabi pa ni Azurin na ang ang paggunita sa Pasko ay nagpapaalala sa lahat na tanawin at alalahanin ang mga hamon sa buhay at ang mga pagsubok ay hindi dapat maging balakid para maging masaya sa ang Pasko, sa halip ay magdulot ito ng kabuluhan, bagong pag-asa, positibo at solusyon.

Kabilang naman sa dumalo sina Mayor Alme Rhummyla G Nicor-Mangilimutan, ng La Castellana Negros Occidental, dating Police Non-Commissioned Officer; dating mga PNP Chief na sina Retired Police Generals Nicanor Bartolome; Archie Gamboa at misis Twinkle Gamboa; at kabiyak ni Azurin na si Mrs. Grace at anak na si Nina Azurin.

Tampok sa annual tradition ang launching ng PNP Christmas ID 2022 na “PNP para sa Bayan”, ang “Bailes de Luces” Dancers of La Castellana Negros Occidental, ang 10-minute exhibition ng PNP Band at ang Singing ng Christmas Songs ng PNP Chorale gayundin ang fireworks display. EUNICE CELARIO