LARA QUIGAMAN SUPORTADO ANG KANDIDATANG BIKTIMA NG SEXUAL HARASSMENT

LARA QUIGAMAN

the pointUSAP-usapan ang naging pagbubun­yag nina Miss Earth Canada Jaime Vander Berg, Miss Earth England Abbey Anne Gyles at Miss Earth Guam Emma Mae Sheedy kaugnay ng rebelasyon nila na naging biktima ng sexual harassment mula sa isang pageant sponsor ng katatapos na Miss Earth 2018 na ginanap sa bansa.

Dahil dito, kinunan namin ng pahayag ang actress at dating beauty queen (Miss International 2005) na si Precious Lara Quiga-man.

Ayon kay Lara, nalungkot siya nang mabalitaan nito ang nasabing eskandalo.

“Unang reaksiyon ko, siyempre, nakakalungkot kasi rito sa bansa natin ginanap iyong Miss Earth.

Nakalulungkot na iyong candidate ay naka-experience nang ganoon. Siguro hindi lang naman siya sa beauty pageants nang-yayari. It happens somewhere else rin. Nakakalungkot lang and I don’t really know what happened,” pambungad niya.

Paliwanag pa niya, sinasaluduhan din daw niya ang tapang at determinas­yon ng mga kandidatang lumantad para ibahagi ang kanilang hindi kaaya-ayang karanasan sa nabanggit na pageant.

“I’m also happy kasi matapang iyong mga girls… that they speak out, kasi may reason naman kung nangyayari iyon. U­nang nagsalita si Ms. Canada, sumunod si Ms. England tapos si Ms. Guam. In a way, it’s also good. At least, nagkaroon ng mga boses para sa pageants na rin,” aniya.

Gayunpaman, nilinaw naman niya na noong ka­panahunan niya ay wala naman siyang naranasang kaparehong karanasan tulad ng mga naturang kandidato sa Ms. Earth.

“During my time, wala naman talaga. Wala akong experience  na ganoon. Wala noong time namin. Ako kasi, tinuruan ako ng lo-la ko na maging very, very aware sa surroundings ko, to carry myself well, para marunong akong umiwas sa medyo suspicious characters,” paliwanag niya.

Hirit pa niya, ayaw din daw niyang husgahan ang tatlong beauty candidates dahil nararapat lang ang ginawa nila.

“It’s good na nakakapagsalita sila, ang mga babae dahil karapatan nila iyon at dapat lang na marinig ang kanilang boses para matigil ang ganoong harassment sa anumang uri nito,” deklara niya.

Si Lara ay balik sa paggawa ng pelikula pagkatapos niyang manganak sa kanyang second child noong Setyembre.

Excited siya sa “Sarah en Cedie” dahil ito ang first time na makatatrabaho niya ang husband na si Marco Alcaraz sa isang pe-likula.

Ang “Sarah en Cedie” na ididirek ni Errol Ropero ay isa sa  anim na advocacy films na ipoprodyus ng Flying High Productions na magpo-full blast sa movie production.

Ang iba pang mga proyekto nila ay ang The Prince of Music, My Music Hero Teacher, Mga Mun­ting Pangarap at Science en Marsha.

CORA WADDELL MAG-AARTISTA ULIT MATAPOS MANGANAK

CORA WADDELLFOUR months ng buntis ang dating PBB alumnus at “Recipe for Love” actress na si Cora Waddell.

Hirit pa niya, wala raw siyang regrets na nabuntis agad siya kahit nagsisimula pa lang ang career niya bilang artista.

Dagdag pa rito, product of love daw ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan ng Australian businessman na si Terence Lloyd.

Eight years din daw siyang sinuyo ng kanyang husband na nagsimula sa flirting.

Sa kanyang bagong estado, na-realize din niya na may mga adjustment siyang kailangang gawin tulad na lamang ng pakikibagay niya sa kanyang mga biyenan.

Naniniwala rin siya na hindi tuluyang makaaapekto ang pagbubuntis niya sa kanyang showbiz career.

Kung  may mga offer daw sa kanya, itutuloy pa rin daw niya ang pag-aartista pagkatapos ma­nganak.

Comments are closed.