INILABAS ni QCPD Director Nicolas Torre III kahapon ang larawan ng dalawa sa limang suspek sa naganap na pananambang sa photographer ng Remate at pamilya nito.
Ayon naman kay PNP Spokesman Col. Jean Fajardo na may indikasyong ang mga suspek ay maaaring bahagi ng isang professional criminal group.
Ito ay matapos madiskubre ng pulisya ang sasakyan ng suspek na ang plate number na nakatalaga sa ibang sasakyan.
Ang limang suspek ay kasalukuyang binabantayan ng mga tauhan ng QCPD at may posibilidad na maaresto ang mga ito bago pa man matapos ang Linggong ito.
Samantala, nanawagan ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pamahalaan na tuparin ang pangako nitong protektahan ang mga mamamahayag matapos na masawi ang 4-anyos na pamangkin ni Joshua Abiad na nadamay sa pananambang.
Hiniling din ni Torre ang tulong ng publiko sakaling makilala ang mga suspek na ipinalabas na nakuha mula sa CCTV footages malapit sa lugar ng pinangyarihan. PAULA ANTOLIN