LARGE-SCALE LOCKDOWN ‘DI NA KAKAYANIN NG PINAS

Joey Concepcion III

NAGBABALA si presidential adviser on entrepreneurship Jose Ma. ‘Joey’ Concepcion III na hindi na kakayanin ng ekonomiya ng Filipinas ang isa pang large-scale lockdown.

Ayon kay Concepcion, kailangang magpatuloy sa pagtakbo ang ekonomiya para masustina kapwa ang gobyerno at ang pribadong sektor.

‘”Pag mag-lockdown tayo ulit, masisira ang ekonomiya natin. ‘Pag masira ang economy, mawawala lahat ng trabaho at ano’ng mangyayari rito sa mga tao, kukuha tayo ulit ng social amelioration?” aniya sa Laging Handa public briefing.

“Masisira ‘yung stimulus package nila kasi hindi umaandar ang economy, so we cannot afford another lockdown,” dagdag pa ni Concepcion.

Ang Metro Manila, kasama ang ilang ‘high-risk areas’, ay naka-lockdown magmula noong Marso 17. Isinailalim ito sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Mayo 15 hanggang  Mayo 31.

Comments are closed.