KINUHA ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pamamagitan ng Women in Sports (WIS) program, ang Provincial Government of Ifugao na maging host sa WIS Laro ng Lahi na gaganapin sa May 26-29 ngayong taon.
Ang PSC, kinatawan ng tanggapan ni Commissioner Olivia “Bong” Coo, ay nagsagawa ng ocular inspection at coordination meeting sa Office of Provincial Governor Jerry Dalipog, C.E na kinatawan ni Executive Assistant IV Agustin Calya-en noong nakaraang February 17 sa Ifugao Provincial Capitol sa Lagawe.
“Ifugao would like to strengthen their 5 regular sports, and we would like to help them,” wika ni PSC Women in Sports program oversight Commissioner Coo.
“We are happy na pumunta ang PSC with regards to the program of Commissioner Bong Coo. The Province of Ifugao is really preparing for big events this year, with the PSC’s help and assistance especially the sports equipment, iyan ang gusto ni Gov. Dalipog, para ma-improve ‘yung sports program namin,” sabi ni Calya-en matapos ang coordination meeting.
Plano ng PSC-WIS na isama ang muay, weightlifting, boxing, taekwondo at wrestling tulad ng ipinanukala ng lalawigan. Ito ay upang matulungan ang LGU na ma-develop pa ang kanilang grassroots sports program.
Bahagi rin ng Laro ng Lahi sportsfest ang 10 indigenous games ng Ifugao tulad ng guyyudan, kadang-kadang sa bao, dopap dimanuk, munbayu, at uggub.
“Majority of the games will be played by women and girls as we want to increase the number of female athletes and discover new talents to be part of our national training pool,” wika ni Coo, ang nag-iisang lady commissioner ng PSC at isang Philippine bowling icon.
Sa April ay magkakaroon ang PSC ng alignment meeting sa Ifugao workforce tulad ng local secretariat, medical, security, at officiating teams para masiguro ang maayos na hosting ng WIS Laro ng Lahi sa Lagawe.
CLYDE MARIANO