LARONG PINOY, PARA-GAMES, WEIGHTLIFTING TAMPOK SA 2023 PALARO PAMBANSA

IPAPAMALAS ang kakayahan ng kultura at isports kung saan itatampok ng Department of Education (DepEd) ang Mga Larong Katutubong Pilipino, na kilala rin bilang “Laro ng Lahi,” na panibagong bilang isang exhibition sport sa darating na 2023 Palarong Pambansa sa Lungsod ng Marikina.

Sa temang “Batang Malakas, Bansang Matatag,” ang DepEd ay magsasagawa ng Kadang-kadang, Tumbang Preso, at Patintero sa Hulyo 28 bilang bahagi ng Palarong Pambansa na nakatakdang magbalik matapos ang puwersahang pagkansela nito sa loob ng tatlong taon dahil sa pandemya.

Ang pagsasama ng Larong Pinoy sa multi-sport event ay naglalayong isulong, pangalagaan, at palaganapin ang mayamang pamana ng kultura at tradisyon ng bansa at matiyak na ang bagong henerasyon ay mararanasan at tumulong na muling buhayin ang mga tradisyonal na larong Pinoy.

Ang nasabing mga katutubong laro ay magkikintal din ng pagtutulungan, pagiging palaro, pakikipagkaibigan, at disiplina, sa mga kabataang Pilipino at makakatulong sa pagpapabuti ng kanilang pisikal, emosyonal, at mental na kalusugan.

Ayon sa DepEd Memorandum No. 35, s. 2023, lahat ng rehiyon ay dapat pumili ng sampung miyembro mula sa kanilang delegasyon para lumahok sa Palaro indigenous games.

Bukod sa Indigenous Filipino Games, ang Cheerdance, Weightlifting, at Obstacle Course ay isasama rin para sa eksibisyon, habang ang Dancesports at Pencak Silat ay itatampok bilang demonstration sports sa Palarong Pambansa ngayong taon.

Bilang karagdagan, hiwalay na mga kaganapan para sa mga mag-aaral-atleta na may Intellectual Disability (ID), visually impaired (VI), at orthopedically handicapped/amputee (OH) sa ilalim ng mga klase ng Special Education (SPED), tulad ng Para-Athletics, Para-Swimming, Bocce, at Goalball kung saan isasagawa din.

Nasa 1,573 medalya ang nakataya sa Regular Sports, Para-Games, at Demo Sports sa Palaro ngayong taon.

Unang ipinakilala ang “Laro ng Lahi” sa 62nd Palarong Pambansa noong 2019, kung saan nakilahok ang mga opisyal at tauhan ng Kagawaran sa paglalaro ng Kadang-kadang, Patintero, Hilahang-lubid at Karera ng Sako.
ELMA MORALES

1K HEALTH SAFETY
OFFICERS IDE-DEPLOY
TINATAYANG nasa isanlibong doktor at medical personnel ang inihanda ng pamahalaang Lungsod ng Marikina upang matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga delegado sa Palarong Pambansa 2023.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, ang 1,000 health and safety protocol officers ay idi-deploy sa mga playing venue at eskuwelahan.

Ang bawat medical team ay binubuo ng mga doktor, nurses at first aiders na pawang nagtataglay ng medical expertise at highly trained upang tumugon sa emergency medical issues.

Nabatid na may 29 na playing venue at 31 billeting schools sa panahon ng Palaro.

Ang mga naturang team of health officers ang magpapatakbo sa mga medical station na malapit sa mga venue ng Palaro at mga eskuwelahan.

Mayroon din na nakatambay na mga ambulansiya para sa on-site emergency na nangangailangang maitakbo sa ospital.

Ginawa ang plano upang maproteksiyunan ang mga atletang estudyante at mga delegado laban sa banta ng COVID 19.

Kaugnay nito, sinabi ni Teodoro na may Temporary Treatment and Monitoring Facility ang Marikina LGU sa Bagong Sibul, Nangka na maaaring mag-accommodate ng hanggang 100 pasyente na kumpirmadong kaso ng asymptomatic at mild cases ng COVID 19.
ELMA MORALES