By: Jayzl Villafania Nebre
ISANG beach resort, hotel, convention center at heritage destination sa Bagac, Bataan ang Las Casas Filipinas de Acuzar. Ipinaayos ni Jose Acuzar, may-ari ng New San Jose Builders, Inc., ang Spanish colonial-era mansions sa Bagac noong 2003 at binuksan sa publiko noong March 2010 bilang Las Casas Filipinas de Acuzar, under the management of Genesis Hotels and Resorts Corporation.
Tulad ng ibang establisimyento, isinara ito noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic pero agad itong binuksan noong July 2020 rin. Ginamit pa nga itong filming location sa Goyo: Ang Batang Heneral, Maria Clara at Ibarra, at iba pa.
May 40 ektarya ang lawak ng kinatatayuan ng mga lumang mansyon sa Bagac, Bataan. Meron din itong 128 guest rooms at 63 “elite casas” noong January 2021.
Ang main attraction ng Las Casas Filipinas de Acuzar ay mga heritage houses, na ang iba ay buhat pa sa labas ng Bagac. Nag-disassembled sila sa mga original location at nag-reconstruct sa loob ng Las Casas Filipinas. Tinawag nila itong heritage conservation dahil naniniwala silang ang orihinal na komunidad ay makikinabang sa mga structures na muli nilang isinaayos sa site. Ayon kay Gerry Acuzar, mas mabuti ito kesa mapabayaan at mabulok na lamang ang mga structures. Pinuri naman ito ng Department of Tourism noong 2021 na nasa pamumuno ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat.
Ang mga bahal sa Las Casas Filipinas ay sinusuri batay sa kanilang historical, cultural at architectural value.
Karamihan sa mga structures ay itinayo noong panahon ng Kastila, ngunit meron din namang lampas na tulad ng Casa Lubao na itinayo noong 1920 sa panahon ng mga Americano. Kasama rin sa heritage park ang torogan, bahay ng Maranao royal clan mula sa Lanao sa Mindanao.
Makikita rin dito ang Casa Bizantina, Casa Hidalgo, Casa Jaen I, at Casa Unisan. May maliit na simbahan din dito na kilala sa tawag na Sanctuario de San Jose. Makikita rin ang Napiya Spa, isang swimming pool, at ang Tulay ni Lola Basyang isang tulay na tawiran sa Umagol River at replica ng lumang Puente de España sa Maynila.