SINIBAK na kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar ang hepe ng Las Piñas City Police at ang 36 pang pulis na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos masangkot sa pangongotong ang apat na pulis nito at ginawa pang kubrador ang isang 13-anyos na batang lalaki.
Dahil sa command responsibility ay sinibak ni Eleazar si Police Sr. Supt. Marion Balolong bilang chief of police ng Las Piñas City.
Pumalit kay Balonglong bilang officer-in-charge ng Las Piñas City Police si Senior Superintendent Simnar Gran, hepe ng NCRPO’s Regional In-vestigation and Detective Management Division.
Bukod kay Balolong sinibak din ang buong pwersa ng SDEU (36 na pulis) sa pangunguna ng hepe nito na si Senior Inspector Edgardo Tigbao.
Nabatid na si Balolong at ang dating hepe ng Las Piñas City SDEU ay itinalaga muna sa Accounting and Holding Unit ng Southern Police District (SPD).
Ang naging hakbangin ni Eleazar laban kina Balolong at sa buong puwersa ng Las Piñas City Police SDEU ay dahil sa umano’y pangongotong ng halagang P200,000 mula sa pamilya ng drug suspect na si Cyrus Glema Ligutan, taga Silang, Cavite na dinukot umano ng mga pulis Las Piñas na na-katalaga sa SDEU.
Para makalaya si Ligutan ay nanghingi umano ng halagang P200,000 sina PO3 Joel Lupig; PO2 Vener Guanlao at PO1s Mark Jefferson Fulgen-cio at Jeffrey de Leon nitong Miyerkoles sa area ng Las Piñas City.
Matapos na magtawaran ay bumaba sa P30,000 ang perang hinihingi ng mga suspek dahilan upang magkasa ng entrapment operation ang mga pu-lis laban sa apat na pulis Las Piñas at pinakubra ng mga ito ng pera ay ang isang 13-anyos na batang lalaki na nadakip ng mga alagad ng batas.
Inatasan din ni Eleazar ang manhunt operation laban sa apat na pulis. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.