BUKIDNON – MATAGAL na galit ang tinitingnang motibo sa pagpaslang ng isang lalaki sa kanyang pinsan na una niyang kainuman sa Sitio Manay, Cawayan, bayan ng Quezon.
Pahayag ni Quezon Municipal Police Station commander P/Maj. Mitchel Clemencio, pinaslang ng suspek na si Arnel Obeso, 29, ang kanyang pinsang si Jaime Obeso Jr, 35-anyos, sa hindi na nabanggit na dahilan.
Gamit ang karit ay tinaga ng suspek ang biktima kung saan nagtamo ito ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.
Napag-alamang parehong lasing ang biktima at suspek nang mangyari ang krimen.
Nahaharap sa kasong murder ang suspek. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.