BENGUET – DESIDIDO ang Baguio City Police na panagutin ang lasing na taxi driver na nagtangkang sagasaan ang pulis kamakailan.
Ayon kay Baguio City Police chief, Col. Allen Rae Co, ngayong araw ay isasampa na ang kaso laban kay Jone Dominguez Buclay.
Kabilang aniya sa nilabag at magiging kaso ni Buclay ay pagmamaneho nang lasing at direct assault upon an agent of a person in authority, resisting arrest, grave threat, at oral defamation.
Magugunitang noong Disyembre 31, tinangka ni Buclay na sagasaan si Patrolman Julius Walang, na naka-assign sa Baguio City Traffic Enforcement Unit.
Sa viral video, nakita si Walang na nakaladkad sa hood ng taxi habang tinangka ni Buclay na tumakas.
Dinala sa Baguio City Police Station si Buclay nang isang judge umano ang namagitan, nanigaw at sinundo ang tsuper.
Nagpaabot naman ng pangamba si Co para sa mga pulis doon dahil aniya sa pakikialam ng hukom na itinanggi naman ng huli at iginiit na hindi siya nakialam sa kaso. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.