LASON SA PAGKAIN

doc ed bien

(Part 1)

It should have been a happy occasion para sa kaniyang mga loyal followers. 90 years old na si Madam at nagtipon nitong Miyerkoles ang higit sa 2,500 katao sa Ynares Sports Complex sa Pasig City. Sa gitna ng kasayahan at kainan ay may mga nagsusuka at nawalan ng malay.

Hindi ito masyadong napansin dahil sa ingay ng programa, ngunit makalipas ang alas-11:00 ng umaga ay parami na nang parami ang nakahandusay. Nagkagulo ang lahat at nagsimula nang magtawagan ng suporta mula Red Cross, emergency response teams at hospitals.

Higit sa 250 katao ang kinailangang itakbo sa ospital. Bata, matanda, buntis at sari-saring pinanggalingang probinsiya ng mga tao ang nabiktima.

ANG HANDA

ADOBONG MANOKKaraniwan na sa mga malalaking handaan ang packed lunch na inihahanda kinagabihan ng okasyon. Ang inihain sa mga bisita ay kanin, adobong manok at itlog. Iba ang pagkain para sa mga VIP siyempre.

May nagsabing parang panis na ang itlog dahil sobrang lambot na nito. May nagsabing medyo maasim na ang kanin. Rumesponde ang walong ambulansiya ng Red Cross matapos itawag sa kanila ang pagsakit ng tiyan at pagsusuka ng maraming nakakain nito. Nilapatan sila ng emergency treatments at inobserbahan ang ilang hindi nawawala ang sintomas matapos ang gamutan. “The food served at the event will undergo laboratory test,” ayon sa Pasig Police Chief.

“My mother is here. Due to her excitement, she was here even before dawn, the food appears to have gone bad. Despite this, it’s still solid. Let’s just take care of those at the hospital and you can expect that we would visit each of them,” ayon sa anak ng celebrant na mambabatas.

SENYALES NG FOOD POISONING

Kadalasan pinanghihinayangan nating itapon ang matagal nang nakaimbak sa refrigerator. Mahilig kasi tayong mag-take home ng tirang ulam sa restaurant.

May ibang nagsasabi na, “Puwede pa ‘yan kahit maasim na basta ipritong muli!”

Ang food poisoning ay nararanasan sa mga pagkaing kontaminado ng nakalalasong kemikal o mga mikrobyong may dalang sakit. Pumapasok ito mula sa bituka papunta sa dugo. Ang mga sintomas na maaaring maranasan ay dapende sa uri ng lason o mikrobyo na humalo sa pagkain. Narito ang ilang senyales na maaaring maranasan:

  • Pananakit ng tiyan
  • Pagtatae
  • Pagsusuka
  • Pagkakaroon ng lag­nat
  • Panghihina
  • Pananakit ng kalam­nan
  • Pagkaliyo
  • Pananakit ng ulo

SENYALES NG MATINDING PAGKALASON

Bukod sa mga sintomas na unang nabanggit, maaari pang dumanas ng mas seryosong mga karam­daman kung sakaling matindi ang pagkakalasong nararanasan. Ang mga ganitong kaso ay maaaring magdulot ng panganib sa buhay kung mapapabayaan, kung ka­ya’t ito ay tinuturing na medical emergency.

  • Patuloy na pagtatae ng higit sa tatlong (3) araw
  • Pagkakaroon ng mataas na lagnat
  • Matinding pagka-uhaw
  • Sobrang panghihina
  • Hirap sa pag-ihi
  • Hirap sa paghinga
  • Paninikip ng dibdib

MGA KARANIWANG LASON

Maraming uri ng lason ang maaaring makaapekto sa kalusugan ng tao. Narito ang kadalasang sanhi nito:

  • Kontaminadong pagkain – maaaring pinamumugaran ng mikrobyo o kemikal gaya ng red tide.
  • Nakalalasong kemikal – tulad ng lead, mercury, cyanide at arsenic na maaaring kasama ng pintura at iba pang kemikal sa bahay.
  • Mga gamot na iniinom o tinuturok.
  • Kagat ng hayop at insekto – gaya ahas, alakdan, alupihan, at mga gagamba.
  • Nakalalasong halaman – ilang uri ng kabute, at poison ivy.

SINTOMAS NG MGA NALASON

  • Matinding paglalaway
  • Pagbula ng bibig o panunuyo ng bibig at balat
  • Mabilis na pagtibok ng puso, o pagbagal ng tibok
  • Paglaki ng itim sa mata (pupil), o pagliit nito
  • Pagbilis ng pag­hinga, o hirap sa paghinga
  • Pananakit sa loob ng katawan
  • Pagkahilo, pagsusuka at pagtatae
  • Pagdurugo o pagkawala sa huwisyo

MGA DAPAT GAWIN

ORSKadalasan rin ay nauuna pa ang pagkataranta. Kailangan ang deretsong pag-iisip at dalhin sa hospital kasama ng pasyente ang anumang pinagsuspetsahang lason.

Ang mga kaso ng pagkalason ay itinuturing na medical emergency at nangangailangan ng agarang gamutan. Agad na dalhin sa pinakamalapit na ospital ang taong nalason lalo na kung ito ay dumaranas ng mga kakaibang sintomas o nawalan na ng malay.

Hangga’t maaari, alamin kung ano ang sanhi ng lason at kung paano ito nakuha, at agad ding ipaalam ito sa doktor o manggagamot.

Kung nakalunok ng lasong kemikal, painumin ng hilaw na puti ng itlog. Huwag pasusukahin o paiinumin ng tubig.  Kung may senyales ng dehydration dahil sa sobrang pagsusuka at pagtatae, bigyan ng oral rehydration solution (ORS).

*Quotes

“I wasn’t that hungry so I only ate the egg and a little steamed rice. I vomited and an ambulance took me to the Rizal Medical Centre where I was given an IV drip. I blame the cook.”

 – From one of the victims

oOo

Salamat po sa pagsubaybay sa ating artikulo tuwing Lunes. Para sa mga dagdag ninyong katanungan, maaari po kayong makinig sa DWIZ 882 khz every Sunday at 11am sa programang Kalusugang Ka-BILIB or text sa (0999) 414 5144 or visit our Facebook account: lebien medical wellness. God bless dear readers!

 

Comments are closed.