LAST DAY NG COC FILING MAPAYAPA

MAITUTURING na mapayapa o relatively peaceful ang huling araw ng pagsusumite ng certificate of candidacy (COC) para sa May 2025 Midterm Elecion.

Ito ang inihayag ng Philippine National Police (PNP) sa kabila nang naitalang kaguluhan sa Shariff Aguak, Maguindanal del Sur na ikinasugat ng anim katao.

Gayunman, sinabi ni PBGen. Jean Fajardo, hepe ng PNP Public Information Office kanila ring beberipikahin ang naganap sa shooting incident.

Samantala, hanggang alas-2 ng hapon, wala pang naitatalang matin­ding karahasan sa pagtatapos ng COC fling.

“So far, sa awa ng Diyos, relatively peaceful nationwide ang pag-file ng candidacy dahil wala naman tayong naitala na any related incidente that would somehow influence ang nangyari sa filing ng candidacy,” ayon kay Fajardo.

EUNICE CELARIO