MAAGANG aarangkada ang Season 81 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagdaraos ng pre-season event na tinawag na ‘Last One Standing 1-on-1 Hoop Challenge’.
Isasagawa ng National University, sa pakikipag-partner sa SM Supermalls, ang one-day spectacular bilang lead-up sa pagbubukas ng regular UAAP season sa Sabado, Setyembre 8, sa Mall of Asia Arena.
Ang UAAP season, na may temang “It All Begins Here” ngayong taon, ay tradisyunal na sinisimulan sa pamamagitan ng basketball competitions.
Gaganapin ang individual skills event sa Biyernes, Agosto 17, sa SM Mall of Asia Atrium simula alas-10 ng umaga.
Bukod sa one-on-one basketball tournament, masusubukan din ang individual skills ng mga player sa Slam Dunk Contest, 3-point shootout at Skills Challenge. Magkakaroon ng Men’s at Women’s Division sa bawat kompetisyon, maliban sa Slam Dunk Contest na para sa mga kalalakihan lamang.
Ang basketball tournament ay may single round robin format kung saan ang top two players ng bawat grupo ay uusad sa semis. Ang dalawang matitirang players ay maglalaban sa finals.
“Last One Standing is going to be a fun and exciting event to watch. The one-on-one is the best showcase for a player’s skills and basketball smarts. This is the real test of an athlete’s individual prowess that may also reveal any weakness he may have. Everything’s on show, you can’t hide anything here, ” wika ni Event Director Eric Altamirano, dating head coach ng NU Bulldogs na siya ring founder at executive director ng National Basketball Training Center (NBTC).
Ang event ay libre at bukas sa publiko. Ang mga kalahok na atleta ay mula sa Adamson University, Ateneo de Manila, De La Salle University, Far Eastern University, National University, University of the East, University of the Philippines at University of Santo Tomas, na may ilang guest athletes.
Comments are closed.