LATE ENROLLEES PUWEDE PA HANGGANG NOB. 21

Leonor Briones

PATULOY ang Department of Education (DepEd) sa kampanya sa paghikayat sa mga mag-aaral na hindi pa nakapagpapa-enroll para ngayong pasukan.

Sinabi ni  DepEd Secretary Leonor Briones na kahit nalagpasan nila ang  target na bilang ng enrollment ngayong taon ay hindi titigil ang kagawaran sa paghikayat sa mga magulang at bata na magpa-enroll para sa School Year 2020-2021.

Tiniyak ng kalihim na tatanggap pa rin ng late enrollees ang lahat na pampublikong paaralan ng bansa hanggang sa Nobyembre  21, 2020.

Hinihikayat ng kalihim  ang mga magulang na gusto pa rin ipa-enroll ang kanilang mga anak, na ngayon pa lamang ay ipatala na ang kanilang mga anak at huwag nang paabutin sa huling araw na itinakda para sa pagtanggap ng late enrollees.

“Bumalik na sila sa pag-aaral, dahil hinintay lang sila ng mga guro at nandito naman  ang DepEd para magbigay suporta sa kanila,” pahayag ni Briones.

Nauna nang tiniyak ni Briones na ligtas ang mga estudyante  ngayong pasukan sa kabila ng pandemya dahil sa pinaiiral sa distance learning. NENET VILLAFANIA

Comments are closed.