LAUREN YOUNG KEBER SA BASHERS

KUNG pagbabatayan ang mga gina­gampanan na karakter ni Lauren Young sa kanyang mga ginawang wallfaceteleserye lately, at gayundin sa ba-gong soap na “Hiram Na Anak” ay kontrabida role ang ginagawa ni Lauren, kaya hindi maiiwasan na magkaroon talaga siya ng bashers lalo pa nga’t ang inaapi ni Lauren sa teleserye ay ang mga idolo nito.

May pagkakataon din naman na hindi nagkikibit-balikat si Lauren sa mga nagkokomento sa kanya o namba-bash. Tulad na lang ng isang netizen na sinabihan siyang mag-bold na lang para sumikat.

Say naman ni Lauren sa bash na ito ay masaya siya sa kanyang showbiz career, hindi siya nawawalan ng trabaho sa GMA 7. Okey lang daw kay Laureen kahit nalilinya siya ngayon sa karakter role, dahil ibang klase naman ng kontrabida ang kanyang pinakikita sa tuwing may teleserye siya, tulad na lang sa “Contessa” kung saan ay super mean ang kanyang role, to the point na nagiging killer na siya, samantalang sa “Hiram na Anak” ay isa lang siyang husband grabber, o manggugulo ng isang relasyon.

KAPUSO NEW TALENT CLINT BONDAD, TANGGAP

ANG HIWALAYAN NILA NI MISS U CATRIONA GRAY

CATRIONA GRAY-CLINT BONDADINAMIN ni Miss Universe Catriona Gray sa isang talk show na hiwalay na sila ng kanyang boypren for years na  si Clint Bondad, model turned Kapuso new talent.

Say ni Catriona bago pa man siya sumalang noon sa Miss Universe sa Thailand ay nagkakalabuan na sila ni Clint pero hindi raw niya ito pinahalata at kahit mahirap man na rumampa sa stage ng mga oras na iyon dahil sa emosyon na dinadala ay inilagay ni Catriona sa isipan na mas dapat na maging matatag siya para sa bansa at para na rin sa isang oportunidad na minsan lang mang­yayari sa kanyang buhay.

Ang mas lalong nagpabigat pa ng kalooban ni Catriona habang rumarampa ay naroroon ang kanyang ex-boypren na nag-cheer sa kanya. At para naman kay Clint, kahit na nagkakalabuan sila ng gf ay nandun pa rin siya para suportahan ito, ipakita na kahit anong mangyari sa kanilang relasyon ay suportado pa rin niya si Catriona.

Tsika pa na nitong u­nang umuwi ng bansa si Catriona matapos manalo ng titulo na Miss Unvirse at para na rin ipagdiwang ang Holiday season, bago sumabak sa bagong res­ponsibilidad, ay tahimik na inayos diumano nina Catriona at Clint ang kanilang relasyon pero nauwi rin sa wala. Kung kaya nanahimik si Catriona noon bago pumunta ng New York at umpisahan na ang pagi­ging Miss Universe para gamutin ang kanyang broken heart.

Samantala, si Clint ay tumutok naman sa bagong yugto ng kanyang buhay, ang pagiging isang bagong Kapuso talent. Ani pa ni Clint sa kanyang socmed,  kayod siya ngayon para maayos niya ang kanyang bad boy image at pinani­nindigan pa rin niya ang mga huling katagang binanggit niya kay Catriona bago pa man sila maghiwalay.

Say pa niya, mananatiling si Catriona ang pinakamagandang babae sa buhay niya at hangad ng baguhang actor na magtagumpay ang dating girlfriend sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang Miss Universe.

Sa huli sinabi pa ni Clint, hindi man nila pareho gusto ang magkanya-kanya ng landas pero heto raw ang nararapat sa relasyon nila. Sa ngayon ay bisi-bisihan si Clint sa kauna-unahan niyang project sa Kapuso network, ang teleseryeng “Luv U 2” kasama sina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion.

Comments are closed.