NA-BASH si Lauren Young dahil sa sinabi nito na, “somebody is lying” tungkol sa nangyaring physical abuse diumano kay Janella Salvador ng ex-boyfriend na si Elmo Magalona.
Karamihan ng mga nang-bash sa utol ni Megan Young ay netizens na kumampi kay Janella.
“Nakarelasyon kasi ni Lauren si Elmo ng tatlong taon kaya iba raw ang pagkakakilala niya sa anak ng yumaong Francis Magalona.
“I know Elmo very differently, I mean, siyempre ang pangit kasi if I would say I believe the girl, then what will my management say about it.
“But If I say that I believe the boy, then everyone`s gonna be, like, “Oh, you`re a victim blamer!” I mean, no matter what I say, someone will get angry. But for me, the safest answer and most showbiz answer for tonight is, it`s none of my business, because hindi ko kilala si Janella,” mataray na say ni Lauren.
Tinanong siya tuloy kung kahit minsan ay napagbuhatan siya ng kamay ni Elmo?
“Nope! Do you think someone can hit me? Sapakin kita diyan, upuan ko lang sila… charot!” malakas na tawang sagot ni Lauren.
COLEEN GARCIA AMINADONG NAGGER NA ASAWA
ISANG taon pa lang ikinasal sina Billy Crawford at Coleen Garcia at so far ay masaya naman ang actress sa buhay may asawa
Sabi nga malalaman ninyo lang ang tunay na ugali ng bawat isa kapag nagsasama na sa isang bahay.
Ayon kay Coleen, parang feeling nga raw niya ay nagger wife siya dahil lagi niyang sinasabihan si Billy na mag-ingat, lalo na ang kalusugan ng mister.
Tulad nga nang nangyaring aksidente kay Billy, two months ago na kung saan na-injure ang kanyang paa dahil sa minor accident. Okey na raw ngayon ang mister pero ‘yun nga raw ay palagi niyang nina-nag at sinasabihan na mag-ingat parati.
“I nag him a lot. Sabi ko, I`m never gonna become the wife that nags, pero wala, wala pang one year, nang-nag na ako,” say ni Coleen.
“Kasi siyempre, ‘pag hindi nakikinig, kailangang mag-nag,” patuloy niya.
Pero ang maganda naman daw ay sobrang laki ng ipinag-mature ni Billy in the past years at pareho naman daw sila.
Ibinulgar din ni Coleen na naiirita siya sa alarm ng mister sa umaga.
Nadiskubre rin ni Coleen na sobrang passionate ni Billy sa vape na kahit saan sulok daw ng bahay ay may vape. Mga maliliit na bagay lang daw naman pero kapag malaking problema ay pinag-uusapan na nila para hindi na lumaki pa.
Dahil miss na miss na ni Coleen ang pag-aartista ay pumirma siya ng kontrata sa Viva Films. At hindi niya inaalis na gumawa ng movie na may daring scene kung kailangan daw talaga sa istorya.
Sana hindi ‘yun ang maging dahilan na masira ang kanilang pagmamahal ni Billy. Kahit na sabihin pa kasi ng babae na work lang ‘yung makipaglampungan at makipag-torrid kissing scene sa ibang lalaki ay hindi magandang tingnan sa lahat, lalo sa iyong husband.
ANGEL LOCSIN PINALITAN SA FILM NA PANG- CINEMALAYA
HINDI na matutuloy si Angel Locsin sa indie film na entry sa 2019 Cinemalaya dahil may nakakita na ibang actress na ang magbibida sa pelikula.
Super saya at excited na ikinuwento ng isang young actress na makakasama niya si Angel sa Cinemalaya entry dahil first time niyang makakatrabaho sana si Angel.
Sabi pa ng young actress, kailangan niyang galingan ang pag-arte para hindi siya mapahiya kay Angel at para makasabay siya sa husay ng actress. Pero sadly nga ay hindi na matutupad ang hangarin ng young actress makasama si Angel dahil siguro sa hectic schedule nito sa bagong serye na The General`s Daughter kaya siguro kahit maganda ang project ay kanyang tinanggihan.
Isang magaling na actress naman ang ipinalit kay Angel pero hindi sinasabi sa naging kapalit na replace-ment lang siya sa naturang project.