LAW ENFORCEMENT TASK FORCE VS CORRUPTION ITATATAG NG PNP-PACC

MAKARAAN ang paglagda ng kasunduan laban sa korapsyon, nagsanib puwersa ang Philippine National Police (PNP) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) para sa mabisang pagsugpo sa korapsyon.

Ito ang kinumpirma nina PACC Chairman Greco Belgica at PNP Chief, Gen. Guillermo Eleazar makaraan ang kanilang paglagda ng Anti-Corruption Manifesto para sa Project Kasangga:Aksyon Kontra Korapsyon.

Sa pahayag ni Belgica na kanyang hinihingi ang tulong ng PNP upang maging matagumpay ang kampanya ng pamahalaan at ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.

Sa panig naman ni Eleazar, napapanahon aniya ang naturang proyekto dahil kasama ang paglaban sa korapsyon sa mga pinili niyang programa ng PNP na nais niyang tutukan.

Upang matutukan ang plasta ng proyekto ay isinama ni Eleazar sa virtual manifesto signing ang kaniyang command group na sina Lt. Generals Joselito Vera Cruz, The Deputy Chief for Administration; Ephraim Dickson, Deputy Chief for Operations at Dionardo Carlos, The Chief for Directorial Staff.

Maging si Internal Affairs Service Inspector General Alfegar Triambulo at ang matataas na opisyal sa iba’t ibang unit ng PNP ay nakilahok din sa Webinar upang mas lalong maunawaan ang bubuuing law enforcemebt task force kontra korapsyon.

Aminado naman si Eleazar na malaking hamon sa kanyang liderato ang pagsugpo sa korapsyon lalo na’t maikli lang ang kanyang panahon bilang ama ng pulisya.

“Kung ang COVID-19 ay 14 days lang mag-isolate ay pwede nang gumaling, itong korapsyon ay matagal kaya dapat makahanap na ng gamot para rito,” ayon kay Eleazar. EUNICE CELARIO

8 thoughts on “LAW ENFORCEMENT TASK FORCE VS CORRUPTION ITATATAG NG PNP-PACC”

  1. I used to be recommended this web site through my cousin. I am now
    not sure whether or not this post is written via him as no one else recognize such
    precise about my problem. You are incredible!

    Thank you!

Comments are closed.