LAW ENFORCERS NA DUMAKIP KAY TEVES PINURI NI PBBM

BINIGYAN ng commendation ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang iba’t ibang law enforcement agencies maging ang counterparts sa ibang bansa na kasama sa pagdakip kay dating Negros Oriental Representative Arnulfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor Leste.

“I extend my heartfelt gratitude to all those involved in this operation for their unwavering dedication to upholding peace and order,” anang Pangulong Marcos.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na lahat ay gagawin ng pamahalaan para maibalik sa Pilipinas si Teves upang harapin ang mga kaso nito.

“Rest assured that the government will take all necessary actions to bring him back to the country so he can face the charges filed against him. I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case,” diin ng Punong Ehekutibo

Pangunahing kasong kahaharapin ni Teves ay ang pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong Marso 4, 2023 sa kanyang tahanan sa bayan ng Pamplona sa nasabing probinsiya. EVELYN QUIROZ