LAW OF SUPPLY AND DEMAND: KUNG KULANG ANG SUPLAY NG KORYENTE, TATAAS ANG PRESYO NITO

NAPAKASIMPLE lang po. “Law of Supply and Demand” ang umiiral na prinsipyo sa merkado. Ito ay isang teorya na nagpapaliwanag sa nangyayarI sa pagitan ng nagbebenta at bumibili ng kahit na anong produkto sa merkado.

Kapag nagkulang ang suplay, natural na tataas ang presyo nito dahil marami ang naghahanap.

Samantala, bababa naman ang presyo ng produkto kapag marami ang suplay nito.

Natatandaan ba ninyo noong unang sigwada ng lockdown sa ating bansa dulot ng pandemya ng COVID-19? Hindi handa ang merkado sa biglaang mataas na demand ng alcohol at face mask. Ano ang nangyari? Tumaas ang presyo ng alcohol at face mask dahil halos nawala ito sa merkado. Marami sa atin ay inubos ito sa mga tindahan upang makasiguro na sapat ang suplay nila sa nasabing dalawang mahalagang produkto laban sa COVID-19 sa kasagsagan ng ECQ. Isama mo na rito ang iba’t ibang uri ng disinfectant at tissue paper.

Subalit nang dumagsa na muli sa merkado ang nasabing mga produkto, unti-unting bumalik sa normal ang presyo ng mga ito.

Kaya naman, ako ay kinakabahan sa balitang nabasa ko tungkol sa babala ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association, Inc. o PHILRECA. Ayon sa kanila, ang shortage ng supply ng koryente ang dahilan kung bakit tumaas ang presyo ng koryente mula buwan ng Enero ngayong taon hanggang Hunyo. Lumalabas daw na ang highest average sa pagtaas ng presyo ng koryente ay pumapalo sa Php 1.3037 per kWh sa mga apektadong electric cooperatives (ECs).

Ang nasabing balita ay nagmula sa ulat na isinumite ng PHILRECA sa Energy Regulatory Commission (ERC) kamakailan. Ayon sa ulat, mahigit sa kalahati ng ECs sa loob ng Luzon Grid o 59.1% ay nagsabi na malaki ang itinaas ng singil nila sa kanilang mga customer dahil sa kakulangan ng suplay ng koryente noong panahon ng tag-init. May bilang na mga 26 ECs ang nagsabi nito.

Ayon kay Engr. Kenjie Fagyan ng PHILRECA Regulatory Affairs, ang pagtaas ng residential effective power rates mula noong Enero ay dulot ng patuloy ng pagtaas ng generation cost ng mga power plant.

Dagdag pa rito ay ang mga tinatawag na ‘forced outages’ ng mga ilang planta na nagdulot ng brownout sa ibang parte ng Luzon.

Paliwanag pa ni Fagyan na may mga ilang planta na nagsara noong buwan pa ng Disyembre na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang kanilang pagkukumpuni. Ha? Susmaryosep! Kaya naman daw maraming ECs sa Luzon ang nakararanas ng mataas na singil sa koryente.

Sabi pa ni Fagyan na ang distribution utilities (DUs) ay napipilitan tuloy na bumili ng karagdagang suplay ng koryente mula sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) upang makapagbigay ng sapat na suplay ng koryente sa kanilang mga customer upang maiwasan ang brownout.

Alam naman sa industriya ng enerhiya na ‘di hamak na mas mataas ang presyo ng koryente sa WESM kung ihahambing sa napagkasunduang presyo ng koryente sa pagitan ng DUs at sa ka-kontrata nilang generation companies o GenCos. Ang GenCos ang siyang nagpapatakbo ng mga planta ng koryente. Ang masakit dito ay walang magawa ang DUs at ECs sa mga ganitong sitwasyon. Wala sa kanilang kapangyarihan ang presyo ng koryente mula sa WESM kung tumaas ito.

Ang pawang katotohanan dito ay ang DUs at ECs kasi ay tagapagkolekta lamang ng GenCos. Baka hindi namamalayan ng mga kumokonsumo ng koryente, kapag hinimay-himay natin ang konsumo natin, malinaw na ang tumaas sa ating electric bill ay mula sa GenCos sa ilalim ng generation charge.

Samantala ang ‘Distribution, Supply at Metering’ o DSM charges ang napupunta lang sa DUs at ECs para sa kanilang operasyon. Wala pang 20% ito sa kabuuan na binabayaran natin buwan-buwan..

Ayon kay PHILRECA President at Partylist Representative Presley C. De Jesus, ang nangyaring sisihan sa pagitan ng NGCP at ng DoE kung bakit nagkaroon tayo ng brownout noong nakaraang buwan ay matagal nang isyu na dapat ay naresolba kung tayo ay nakapagpatayo ng mga karagdagan planta ng koryente, ilang dekada na ang nakararaan.

Tama na ang pamumulitka lalo na sa mga militante at iba pang grupo na lumalaban sa pagtatayo ng mga karagdagang planta sa ating bansa. Sila rin ang mahilig magbatikos sa DUs at ECs na sinisisi nila kapag tumataas ang presyo ng koryente. Sana naman ay may natutunan kayo sa simpleng teorya ng ‘law of supply and demand’.

181 thoughts on “LAW OF SUPPLY AND DEMAND: KUNG KULANG ANG SUPLAY NG KORYENTE, TATAAS ANG PRESYO NITO”

  1. Long-Term Effects. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    https://levaquin.science/# how can i get levaquin without insurance
    Actual trends of drug. Some are medicines that help people when doctors prescribe.

  2. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Some trends of drugs.
    https://nexium.top/# buying generic nexium without dr prescription
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Drugs information sheet.

  3. safe and effective drugs are available. drug information and news for professionals and consumers.
    https://tadalafil1st.online/# buy generic tadalafil 20mg
    safe and effective drugs are available. Everything what you want to know about pills.

Comments are closed.