LAW VS HEIGHT REQUIREMENT ISINUSULONG NG ACT-CIS 

REP ERIC YAP-2

“HINDI porke’t hindi ka matangkad ay bawal ka ng tanggapin sa trabaho”?

Ito ang pahayag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap matapos ihain sa kongreso ang House Bill 7740 o ang Anti-Height Requirement Law.

Aniya, may mga trabaho na hindi naman kailangan ng tangkad tulad ng mga receptionists o waiters sa mga hotel at restaurant, sa mga opisina, sa barko o eroplano.

“Sa pulis at military mahigpit ang height requirment pero saan nila gagamitin ang tangkad?” tanong ni Cong. Yap.

Aniya, “ang importante basta in top health condition at marunong humawak at magpaputok ng baril ay sapat na dapat para makapasok sa PNP at AFP”.

Hirit pa ni Yap na chairman din ng appropriations committee, ang lahi ng mga pinoy ay hindi matatangkad kaya dapat ay alisin na raw itong height requirement para sa kapakanan ng nakakaraming pilipino.

“Ang height requirement ay malinaw na diskriminasyon para sa mga maliliit na pilipino”, pahabol ng mambabatas. PMRT

Comments are closed.