LAWAK NG DANYOS NI ‘OMPONG’ SA ISABELA SINIYASAT NI PDU30

DUTERTE

SINIYASAT ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinsala sa agrikultura at imprastruktura sa Isabela at kinumusta rin ang mga residente roon.

Una nang napaulat na umabot sa P3.6 billion ang halaga ng danyos ng mga agricultural land at infrastructure sa lalawigan, batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) kay Gov. Bojie Dy lll at maaari pang madagdagan kapag nakuha na nila ang kabuuang report mula sa mga LGU.

Samantala ang mga local chief executive ay humihingi ng tulong pinansiyal mula sa national government upang sila ay maka-recover mula sa pagkalugi.

Bukod sa pagbisita ni Duterte sa lalawigan ay magbibigay pa ng isang unit na tractor na 5th infantry division at ipriprisinta naman ng Philippine Army ang mga susukong rebelde kama­kailan at upang kausapin na rin ang mga ito.    IRENE GONZALES

Comments are closed.