LAWTON AVENUE BUBUKSAN SA SETYEMBRE

NAKATAKDANG buksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko sa darating na buwan ang apat na lane roadway Lawton Ave­nue.

Ayon sa paha­yag ng DPWH, ang Lawton Ave­nue ang  alternate route ng mga motorista na dumaraan sa loob ng Fort Bonifacio pa­puntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang dating apat na lane Lawton Avenue ay gagawing anim na lane, upang mapabilis ang travel ng mga motorista mula Bonifacio Global City patungong NAIA.

Batay sa report ng mga tauhan ng DPWH, nasa 70.54 percent completion, ang phase II at ang phase III, na malapit sa may Philippine Navy headquarters ay 26.54 percent completion.

Dagdag na paha­yag ng isang DPWH official, bukod sa mabilis na  travel time ay  mababawasan din ang traffic jam sa EDSA dahil sa halip na dumaan sa EDSA, ang Lawton Avenue ay puwedeng gamitin  ng mga motorista upang mapadali ang kanilang biyahe patungo sa mga paliparan. FROI MORALLOS

176 thoughts on “LAWTON AVENUE BUBUKSAN SA SETYEMBRE”

  1. 436995 661977Hey! I just wish to give an enormous thumbs up for the great data youve got here on this post. I will likely be coming back to your blog for more soon. 119278

Comments are closed.