LAYLO, YOUNG HUMATAW SA BALINAS CHESS CUP

on the spot- pilipino mirror

NAGPAMALAS sina Grandmaster Darwin Laylo at International Master Angelo Young ng matinding husay sa ikalawang round ng 2019 GM Rosendo Balinas Memorial  Chess Championships sa ikalawang palapag ng Alphaland Makati Place sa Malugay St., Makati City kahapon.

Miyembro ng multi-titled Philippine Army chess team, naungusan ni Laylo si International Master Ricardo De Guzman matapos ang 39 moves ng Kings Indian Defense,  habang binalikan ni Young si Michael Concio, Jr. makalipas ang 40 moves ng London System Opening.

Nagsalo sina Laylo at Young, kasama ang dalawang iba pa sa liderato, tangan ang 2 points.

Hindi rin nagpahuli sina GM Rogelio ‘Joey’ Antonio at IM Paulo Bersamino sa pagtala ng panalo.

Muling naikasa ng 13-time National Open champion na si Antonio, agad na nagwagi via forfeiture sa first round, ang maagang lakbayin nang mapasakamay ang panalo sa pamamagitan ng isa pang default kontra National Master Julius Sinangote.  Sa kabilang dako, ginapi ni Bersamina si untitled Rolly Parondo, Jr. sa 54 moves ng London System Opening.

Ang standard format event ay suportado nina Engr. Antonio ‘Tony’ Carreon Balinas at US-based Joe Balinas, mga nakatatandang kapatid ni late GM Balinas, at ginagabayan ng Alphaland Corporation, sa pakikipagtulungan ni Philippine Executive Chess Association (PECA) president, Dr. Jenny Mayor.

Sa iba pang resulta,  nagwagi si IM Daniel Quizon sa pamamagitan ng default laban kay Sherwin Tiu upang iangat ang  kanyang pangkalahatang iskor sa 1.5 points, kapareho ring output ni veteran IM Chris Ramayrat,  na pinatumba si Alfredo Rapanot makaraan ang 74 moves ng Veresov Opening.



Grabe, matindi ang mga nakaharap ng Gilas Pilipinas. Kapwa kinain tayo ng buong-buo, tinambakan tayo ng halos kalahati ng iskor ng kalaban. Itong huli lang, ang Serbian team, ay binugbog ang mga Pinoy sa iskor na 126-67. Alam naman natin na ganoon ang mangyayari. Hanggang ‘di nagbabago ang paghahanda sa international competition sa basketball ay hindi tayo mapupunta sa top 10. Hindi sa wala akong bilib sa mga player natin. Mahuhusay naman sila, kulang lang talaga tayo sa paghahanda. Ang totoo niyan, kahit matatangkad ang mga kalaban ay puwede kung matinding paghahanda ang gagawin. Ang lahat na teams ay ilang taong naghahanda. Good luck na lang sa Gilas Pilipinas.



How true kaya na nabugnot ang mga nag-cover ng opening ng UAAP Season 82 na  ginawa sa MOA Arena? Sinabay na rin kasi ang press con ng naturang liga, 10 a.m. ng umaga. Pagkatapos nito ay 4 p.m. nagsimula ang opening.  Pangalawang pagkakataon ito na walang isinagawang laro sa opening. Ateneo rin ang host noon. Good luck sa lahat ng teams.