LAYOFFS, PRICE HIKE SA BILIHIN

MAPANGANIB ang pagbibigay ng umento na isinusulong ng mga militanteng grupo dahil  posibleng lalo lamang magpataas ito sa presyo ng bilihin at pagbabawas ng mga manggagawa.

Sinabi ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na dapat ay minimal lamang ang pagtataas ng suweldo at dapat na ibase rin sa inflation ng bawat rehiyon sa bansa.

“Ibang trabahador nawawala na rin. Thats why we have to have job creation… the income or wages will go up naturally versus labor. So ‘yun po ang dapat na ambisyunin natin. Thats why i have that comment on wage increases, medyo dangerous po ‘yun,” wika ni Lopez.

Naniniwala si Lopez na dapat na matiyak na walang magiging epekto sa ekonomiya ang pagtataas ng suweldo ng mga mangga-gawa kung kaya’t marapat lamang na ang Regional Tripartite and Productivity Board ang bahala sa kung magkano ang idadagdag sa suweldo ng mga manggagawa.

“Whatever will be the inflation in each region, that can be the basis for adjustment. Again, just to give consolation to the affected parties. But if I will be asked, I hope there’s none,” dagdag pa ni Lopez.

Nauna rito ay mariing iginigiit ng mga militanteng grupo ang pagkakaloob ng 750 piso kada araw na minimum wage dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin at anila’y malaking epekto ng implementasyon ng Tax Reform for Ac-ce­leration and Inclusion (TRAIN) Law.

Gayumpaman, ayon naman sa gobyerno ang epekto ng TRAIN law sa inflation ay wala pang 1 porsiyento kung kaya’t napaka-liit lamang taliwas sa sinasabi ng naturang grupo.   EVELYN QUIROZ

 

Comments are closed.