SA ikalimang araw ng Linggo ng Lent, nasasaad ang aral ni John bilang paghahanda sa pagtanggap sa mga bagong nabinyagan sa lamay bago ang Linggo ng Pagkabuhay. Ito ang kwento ng pagbibigay-buhay ni Jesus sa kaibigang si Lazarus na namatay sa sakit na ketong. Maraaming beses na natin itong narinig o nabasa, ngunit anon ga ba ang tunay na istorya, at paano ito maibabahagi sa kasalukuyang panahon?
Sa pangalan pa lamang, Lazarus, nangangahulugan na ito ng “regalo mula sa Diyos.” Mula ito sa pangalang Hebrew na Eleazar na ang ibig sabihin ay “Tinulungan ng Diyos.”
Si Lazarus ay kaibigan ni Jesus, at kapatid nina Martha at Maria na mga kaibigan din niya.
Nakatira sila sa Bethany, dalawang milya ang layo sa Jerusalem.
Dahil malalapit na kaibigan, mahal na mahal ni Jesus ang tatlong magkakapatid, at ito marahil ang nagtulak sa kanya upang muling buhayin si Lazarus.
Walang naniwalang kayang buhayin ni Jesus si Lazarus, lalo pa at apat na araw na itong patay at ang ikinamatay pa ay ketong. Ngunit pinatunayan Niya sa lahat, lalo na sa kanyang mga disipulo, na siya nga ang tagapagligtas.
Ang milagrosong pagkabuhay ni Lazarus ay mababasa sa aral batay kay John (11:1–45). Lazarus of Bethany was the brother of Martha and Mary and lived at Bethany, near Jerusalem.
Kung tutuusin, maaring inabutan pang buhay ni Jesus si Lazarus kung nagmadali siyang bumalik sa Bethany nang malaman niyang nakaratay ito, ngunit pinili niyang maghintay. Marahil, upang maipakita sa lahat ang kapangyarihan ng Anak ng Diyos.
Pagpasok pa lamang ni Jesus sa Bethany sinalubong na siya ng magkapatid na Maria at Martha, at sinabing: “Panginoon, kung naririto ka lamang, hindi mamamatay ang aming kapatid na si Lazarus.”
Namatay si Lazarus noong 30 AD, isang linggo bago ipinako sa krus si Jesus, at binuhay naman siya ni Jesus apat matapos malibing ng apat na araw. Pansining mas mahaba ang panahong nalibing si Lazarus, habang si Jesus naman ay namatay at muling nabuhay matapos ang tatlong araw.
Matapos buhayin si Lazarus, sinabi ni Jesus dito: ‘Kung hindi sila makikinig kay Moises at mga propeta, hindi sila makukumbinsi kahit pa may taong namatay at muling nabuhay.” Ang aral na ipinababatid ay kinakailangang magkaroon tayo ng pasensya at pagtitiis sa gitna ng pagdurusa, dahil kahit huling dumating ang pagpapala, kung ito ay talagang para sa iyo, ito ay makakamtan mo.
Sabi nga ni Jesus sa pagkamatay ni Lazarus, siya ay natutuliog lamang. Kaya nang inutusan niya itong gumising at bumangon, agad naman itong sumunod.
Totoong mahal ni Jesus ang magkakapatid na Lazarus, Maria at Martha dahil sa busilak nilang mga puso. Lubos silang nananalig sa kapangyarihan ng Diyos, at hindi nila sinisi si Jesus na hindi ito nakarating ng maaga upang pagalingin ang kanilang kapatid. Alam nilang may plano ang Diyos sa kanila.
Nauna ang pagkabuhay ni Lazarus sa pagkabuhay ni Jesus. Patunay itong pinapayagan tayo ng Diyos na talunin ang kamatayan at lahat ng nananalig ay magkakaroon ng walang hanggang buhay.
Namatay si Lazarus upang ipakita ang kapangyarihan ni Jesus bilang anak ng tao at anak ng Dioyos. Mas malinaw ito kesa pagpapagaling lamang ng maysakit.
Kung babasahing mabuti ang Biblia (sa Lumang Tipan), may tatlong insidente ng pagbuhay sa patay. Nagdasal si Propeta Elijah sa Diyos na buhayin ang isang batang lalaki (1 Kings 17:17-24).
Binuhay naman ni Elisha ang anak ng Woman of Shunem (2 Kings 4:32-37) na nauna na niyang sinabing ipanganganak ay mamamatay (2 Kings 4:8-16). At ang iukatlo nga ay si Lazarus, sa
Bagong Tipan naman, na inilibing sa isang kuweba sa Bethany. Ang nasabing kuweba na pinaglibingang kay Lazarus, ang The Tomb of Lazarus, ay isa na ngayong traditional spot of pilgrimage na matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng bayan ng al-Eizaria sa Palestina, isang lugar sa Bethany, sa silangang bahagi ng Mount of Olives, may 2.4 km silangan ng Jerusalem.
Kung tatlo ang patay na binuhay sa Biblia, dalawa naman ang Lazarus sa Bagong Tipan. Ang una ay ang mahirap na lalaki sa parabula ni Jesus (Luke 16:19:31) at ang ikalawa ay ang ketonging kaibigan ni Jesus na kapatid nina Maria at Martha. NLVN