NAGLABAS ng Lookout Bulletin Order (LBO) ang Bureau of Immigration laban kay dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang at walo pang personalidad, upang ma-monitor ang galaw ng bawat isa.
Si Michael Yang, o kilala na si Yang Hong Ming, ay pakay sa isinasagawang Senate inquiry tungkol sa budget utilization sa pagbili ng pandemic response supplies ng pamahalaan.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inisyu ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa mga ito sa kahilingan ni Senador Richard Gordon,Chairman ng Senate blue ribbon committee sa Department of Justice (DOJ), habang ongoing ang imbestigasyon sa mga ito.
Kabilang sa mga nasa listahan ng LBO ay sina Atty.Lloyd Christopher Lao, Overall Deputy Ombudsman Atty. Warren Rex Liong, mga opsiyales ng Pharmally Pharmacsutical Corporation, Twinkle Dargani, Huang Tzu Yen, Krizle Grace Mago, Justine Garado, Linconn Ong, at Mohit Dargani.
Si Lao na dating hepe ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM), ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa pagkaka-award sa P8 bilyon PPE at face mask supply contract sa Pharmally Corporation.
Nag-ugat ang imbestigasyon laban sa Pharmally Corporation matapos madiskubre ng Blue Ribbon Committee na itinayo ito ng wala pang isang taon at may capital na tinatayang P625,000 subalit nakakuha ng bilyong pisong supply contract sa pamahalaan.
Ayon pa kay Morente, inisyu ang ILBO na ito upang madaling ma-monitor ang kanilang mga galaw.
F MORALLOS
991084 193721I conceive this web site contains some rattling superb details for everyone : D. 160086
970649 532758Wohh exactly what I was looking for, regards for putting up. 597981
401479 752635Hello to all I cannot realize the strategy to add your site in my rss reader. Assist me, please 732246
382873 681273I enjoy reading article. Hope i can find much more articles like this 1. Thanks for posting. 802321