MAY napakahagang papel ang LandBank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) sa pagbangon ng bansa mula sa kasalukuyang COVID-10 crisis. Ito’y nakasaad sa ‘calibrated economis stimulus program’ na binalangkas ng House Economic Stimulus Cluster. Tatalakayin ito ng Kamara sa napipintong sesyon nito.
Ayon kay House Economic Stimulus Cluster co-chair Joey Sarte Salceda (Albay, 2nd District), na siya ring chairman ng House Ways and Means Committee, ang pakikiisa, kahandaan at malawak na karanasan ng LBP kaugnay sa ‘may misyon’ ngunit komersiyal na mga programang pautang nito ay nagbibigay ng malakas na tiwala na magiging tagumpay ang ‘stimulus plan.’
“Kapwa mahusay ang patakbo sa LBP at DBP sa nakaraang mga taon na parehong nagsusulong ng kanilang ‘missionary expansion’ kaya ang mabisang ugnayan nila sa mga ‘small and medium enterprises’ (SME) ay magiging sadyang mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga ‘stimulus loans’ natin. Nagkaroon na kami ng konsultasyon sa LBP, at tiniyak nilang kaisa sila at susuportahan ang ‘economic stimulus loans’ at gagawin nila itong higit na simple at madali kaysa dating mahigpit nilang pamamaraan,” dagdag niya.
Ipinanukala rin ni Salceda ang ‘Negative Interest Loans’ (NIL), isang ‘stimulus package’ na aakit sa mga kompanyang may pera na mamuhunan dito kasabay ng gobyerno na magpapahiram pa sa kanila ng libreng dagdag na kapital tungo sa lalong pagpapalago sa kanilang negosyo at ang paglikha ng higit maraming trabaho..
Sadyang mahalaga ang gagampanang papel ng LBP at DBP sa pagpapatupad ng panukalang ‘Credit Refinancing and Mediation Services’ (CRMS) para sa ibang kompanya upang mamuhunan sila sa kanilang pagbangon at pagsulong sa pamamagitan ng higit na magaang pautang kaysa dati nilang hinihiram. “Walang nakakalam na magaganap ng pandemic na hrisis na ito kaya kailangan talagang bumangon ang maraming negosyo,” paliwanag niya.
Panukala ng marami na dapat pangasiwaan ng mga ‘government banks’ ang pagpapautang, na gagarantiyahan naman ng Small Business Corporation (SBCorp) at Philippine Guarantee Corporation (PGC). Ayon kay Salceda, panukala rin niya na pabigyan ng bagong mandato at muling pasiglahin ang National Development Company (NDC) na magsisilbing “bailout agency” ng pamahalaan. “Sadyang kailangan ito. Ang patuloy na paghina ng pribadong negosyo dahil sa pagka-bankrupt ay mangangahulugan ng pagbagsak ng pambansang ekonomiya. Kailangang matulungan silang makabangon sa pagkaluging dulot ng pandemic na ito,” hirit niya.
“Panukala ko rin ang isang ‘super body’ gaya ng isinusulong ni Nobel laureate Joseph Stiglitz. Isang ahensiya ito na ang pangunahing tungkulin ay ‘iligtas ang mga kompanyang bumubulusok bunga ng mga kaganapang mga krisis na hindi inaasahan. Gagawin ito sa pamamagitan ng mga ‘convertible loans, debts-to-equity swaps,’ o tuwirang pagbili sa kanila upang mapanatili ang mga trabaho. Katulad ito ng ginawa ng PSALM sa utang ng ating sektor sa koryente, at sa ginawa ng Central Bank – Board of Liquidators (CB-BOL) sa mga utang ng Bangko Sentral noong noong panahon ng diktaduryang Marcos na nagligtas sa ekonomiya ng bansa,” dagdag niya.
Sa ilalim ng PD 1648, binigyan ng kapangyarihan ang NDC na mamuhunan, magpautang, gumarantiya, o pumasok sa mga ‘joint ventures’ ng mga kompanyang Filipino o banyaga sa mga negosyong ‘commercial, industrial, mining, agricultural’ at iba pa na magsusulong sa kapakanan ng bansa at ekonomiya nito.
Comments are closed.