LCSP PUMALAG SA FRANCHISE CONSOLIDATION NG LTFRB

Atty Ariel Inton-4

PINALAGAN ng isang commuter at transport advocate group ang franchise consolidation na ipatutupad ng Land Transportatiin Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DoTR).

Ayon kay Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) Founder Atty. Ariel Inton, sakaling manatili at tuluyang maipatupad ang ganitong uri ng polisiyang pag- consolidate ng mga prangkisa sa mga kooperatiba o korporasyon ay malaking problema na naman ang maidudulot nito.

“Ang epekto nito ay nababawasan ang maaaring masakyan ng mga pasahero. kawalan ng trabaho sa mga driver at konduktor gayundin ang pagkawala ng kita ng hanapbuhay ng mga operator na may prangkisa,” pahayag ni Inton na naging dating LTFRB board member.

Kaalinsabay nito, muling umapela ang LCSP sa LTFRB at DoTR na madaliin na ang pagbubukas ng marami pang mga ruta at payagan nang bumiyahe ang mga PUV upang may masakyan ang mga commuter habang patuloy na ipinaiiral ang istriktong health and safety protocols para labanan ang nakahahawang sakit na Covid-19.

Inirekomenda ni Inton na iwasan ang pagpuputol ng mga ruta na nagdudulot ng karagdagang sakay at gastos sa pamsahe ng mga  mananakay.

“Yung hirap ng palipat lipat ng sasakyan ay nage-expose sa mga pasahero dahil nasa lansangan sila ng mas matagal para lang mag- abang at lumipat ng masasakyan,” wika pa ni Inton.

Sinabi pa nito na sa iminumungkahing modified general community quarantine (MGCQ), asahan na ang mas maraming bugso ng mga pasahero kung kayat rekomendasyon ng LCSP na dagdagan ang mga units para sa public transport.

“Kaya dapat istriktong ilatupad ang ang health protocols kapag ipinairal na ang MGCQ,” dagdag pa ni Inton.

Aniya, iba ang dagdag na masasakyan sa dagdag sa pwedeng sumakay, kung saan ang ibig sabihin ng una ay mas marami ang masasakyan habang ang pangalawa ay mas marami ang isasakay. BENEDICT ABAYGAR, JR.

2 thoughts on “LCSP PUMALAG SA FRANCHISE CONSOLIDATION NG LTFRB”

  1. 19342 531735This really is a proper weblog for would like to locate out about this topic. You realize a great deal its almost challenging to argue along (not that I personally would wantHaHa). You in fact put the latest spin with a subject thats been discussed for a long time. Amazing stuff, just amazing! 84782

Comments are closed.