LE TOUR DE FILIPINAS PAPADYAK SA HUNYO 14

LE TOUR DE FILIPINAS

IDEDEPENSA ni El Joshua Carino ang kanyang titulo laban sa 74 local at foreign riders sa 10th edition ng Le Tour de Filipinas na sisikad sa Hunyo 14 sa Tagaytay City.

Masusubukan ang husay at lakas ng mga siklista sa akyatan sa 129.50 kilometers na  first stage bago tahakin ang pinakamatarik na ‘Tatlong M’ sa Atimonan, ­Quezon sa second lap na may layong 194.9 kilometers at magtatapos sa Daet, Camarines Norte sa Bicol.

Ang third stage ay may distansiyang 183.7 kilometers mula Daet hanggang Legazpi City, habang ang fourth lap ay 138 kilometers mula Legazpi City via Sorsogon at magtatapos sa Legazpi. Ang fifth at last lap ay may layong 145.80 kilometers mula Legazpi via Donsol (Sorsogon) at magtatapos sa Legazpi City.

“Handang-handa  akong harapin ang mga kalaban. Mahaba ang ensayo ko dahil malalakas ang mgaa kalaban at gusto kong manalo ulit,” sabi ng 25-anyos na Pangasinense at pamangkin ni da­ting ‘Eagle of the Mountain’ Ruben Carino.

Nakahandang umalalay kay Carino sina fellow national team members Jan Paul Morales, Ro­nald Oranza, Junrey Navarra at John Mark Camingao.

Si Carino ang ikatlong Pinoy na nanalo sa nasabing cycling competition matapos nina Baler Ravina at dating tour at Hawaii Invitational champion Mark John Lexer Galedo.

Sinabi ni Philippine cycling godfather at Le Tour de Filipinas top honcho Bert Lina na ang 5-araw na padyakan ay may basbas ng Europe-based International Cycling Union (UCI) at ng Philippine Cycling Federation at inaasahang magiging kapana-panabik tulad ng mga naunang edisyon.

“I assure fans of Le Tour de Filipinas they will witness another exciting cycling competition because the country’s top riders and members of national team and foreign cyclists from nine countries are seeing action,” sabi ni Lina sa press conference na idinaos sa Passion Restaurant, Resort’s World Manila.

“It’s 10th year and like in the previous edition, the riders will face challenges the elements offer, thus, squeezing out the best of the best in this sports spectacle on two wheels,” wika pa ni Lina.

Bukod sa Filipinas, lalahok din sa torneo ang Indonesia, Malaysia, Thailand, Singapore, Japan, China, Hong Kong, Iran at Australia na may dalawang teams. Apat na teams naman ang entry ng host country. CLYDE MARIANO

Comments are closed.