AYON sa Miss Saigon alumna at international diva na si Lea Salonga, kampante siyang magiging National Artist ang Superstar na si Nora Aunor.
Bagama’t alam niya na hinog na ito para sa nasabing parangal, naniniwala siya na panahon na lamang ang makapagsasabi kung kailan ito magaganap.
Sey pa niya, kung hindi man ito mangyari sa kasalukuyang administrasyon, posibleng mangyari ito sa mga susunod na panahon.
Para sa kanya, ang isang artistang tulad ni Nora na napaka-talentado ay mahirap na i-ignore, kaya laging hindi nawawala ang pangalan nito ‘pag nagkakaroon ng deliberasyon pagdating sa mga nominado sa nabanggit na titulo.
Aminado rin si Lea na fan siya ni La Aunor na walang kapantay ang mata sa mata acting.
VIRGIN LABFEST MAS MAPANGAHAS
UMARANGKADA na ang ika-15 edisyon ng Virgin Labfest, ang taunang pestibal ng mga bagong dulang pang-teatro na hindi pa nalalathala o napanonood sa anumang entablado.
Mula sa Writer’s Bloc and Tanghalang Pilipino, ang Virgin Labfest ay kasalukuyang idinaraos sa Cultural Center of the Philippines at tatagal hanggang Hulyo 7.
Sa taong ito, may temang “Titibok-tibok” (Pulsating) ang naturang festival kung saan tampok ang labindalawang one-act plays na pinili mula sa 207 kalahok na isinumite.
Muli ring ipalalabas ang ilang mga piling dula mula sa nakaraang taon at may espesyal na pagtatanghal din ito ng staged readings.
Ang mga dulang tampok sa taong ito ay ang mga sumusunod:
Set A: Fangirl mula sa panulat ni Herlyn Alegre at sa direksyon ni Charles Yee; Huling Hiling Ni Darling mula sa panulat ni Raymund Barcelon at sa direksyon ni Ricardo Magno; at Isang Gabi Ang Buwan ay Hila-Hila ng Gula-Gulanit na Ulap mula sa panulat ni Ryan Machado at sa direksyon ni Paolo O’Hara.
Set B: Unreachable Star mula sa panulat ni Layeta Bucoy at sa direksyon ni Mara Marasigan; Anak Ka Ng mula sa panulat ni UZ Eliserio at sa direksyon ni Maynard Manansala; at Wanted: Male Boarders mula sa panulat ni Rick Patriarca at sa direksyon ni George De Jesus.
Set C: The Bride and The Bachelor mula sa panulat ni Dingdong Novenario at sa direksyon ni Topper Fabregas; Surrogate mula sa panulat ni Dennis Teodosio at sa direksyon ni Roobak Valle; at A Family Reunion mula sa panulat ni Anthony Kim Vergara at sa direksyon ni Ian Segarra.
Set D: Ang Pag-Uulyanin ni Olivia Mendoza mula sa panulat ni Rolin Migyuel Obina at sa direksyon ni Phil Noble; Larong Demonyo mula sa panulat ni Nicolas Pichay at sa direksyon ni Jose Estrella; at Wala Nang Bata Dito mula sa panulat ni Sari Saysay at sa direksyon ni Tanya Lopez.
Set E: Ito ang mga dulang muling ipalalabas mula sa revisited plays division na kinabibilangan ng River Lethe na isinulat ni Allan Lopez at idi-nirehe ni Chris Martinez; Edgar Allan Hemingway na isinulat ni Carlo Vergara at idinirehe ni George De Jesus III; at Mga Eksena sa Buhay ng Kontrabida na isinulat ni Dustin Celestino at idinirehe ni Roobak Valle.
Sa kategoryang featured staged readings, kasama sa Set A ang Rated X ni Jun Lana na idinirehe ni Dennis Marasigan at Freshman ni Chris Martinez na idinirehe ni Kanakan Balintagos.
Sa Set B naman ay tampok ang Pagsasarili ni Liza Magtoto na idinirehe ni Olive Nieto at Intermedyo ni Chris Millado na idinirehe ni Baha Vergara.
Sa Set C, mapapanood ang Ang Pagbabalik at Paglisan na isinulat ni Karl Caminade at idinirehe ni Bong Cabrera; Multiverse na isinulat ni Juliene Mendoza at idinirehe ni Fitz Betana; at Mula Kina Cain at Abel na isinulat ni Mikaela Regis at idinirehe ni Yong Tapang.
Comments are closed.